Chapter 8: My Husband

5.8K 143 3
                                    

From the night when we started sleeping in one room and one bed, nothing unusual happened between I and Andrew. Kung may hindi man pangkaraniwang nangyari, 'yon ay ang hindi ko pagtulog nang maayos ng higit isang linggo.

Hindi naman sana ako papayag sa gusto niya at mas gusto ko namang matulog na lang sa sofa. But when he told me that his mom likes to give him surprise visit in the morning to cook him breakfast made me agree with the set-up. Mabubuking nga naman kami kung madadatnan ako ng mama niya na sa sofa natutulog. Imbes akalain na asawa ako ay baka isiping katulong pa ako ng anak niya.

Nang magda-dalawang linggo na ang nakalipas mula ng ikasal kami ay nakasanayan ko na ang matulog na katabi siya.

Karaniwang routine namin tuwing gabi matapos maghapunan ay mauuna akong mag-shower, pagkatapos ko ay siya naman. Sa pagsasama namin sa iisang bubong ay marami akong nalaman tungkol sa kanya na hindi ko alam kahit magkaibigan kami.

I found out that he's vain. Mas matagal pa ang nilalagi niya sa banyo ikumpara sa akin. Tapos na akong mag-blower ng buhok at lahat-lahat at nakatulog na ay hindi ko siya minsan naabutan na lumabas galing banyo, gano'n siya katagal kung mag-shower.

Dahil naging abala ako sa paglipat ng trabaho sa Manila ay hindi namin agarang nabalita sa mga kaibigan na kasal na kami. Ngunit sinigurado namin na magtataka ang mga kakilala namin sa aming estado nang sabay naming pinalitan ang mga profile pictures sa social media ng parehong larawan kinabukasan nang makabalik kami sa bansa. It was a picture with both of our hands wearing our wedding rings with a caption of Finally!

Pareho kaming inulan ng private messages ng aming mga kakilala pati na ng aming mga kaibigan. Pero tingin ko ay hindi pa alam ng mga magulang ko dahil wala pa akong natatanggap na tawag mula sa kanila.

"Let's go?" Tanong ni Andrew nang makitang handa na ako at nakuha na ang bag na dadalhin.

"Okay." Sagot ko at sabay na kaming naglakad palabas ng condo niya.

Sa loob ng dalawang linggo kong paghahanda ng sarili para sa harapan namin ng barkada na ilang sandali na lang ay mangyayari na ay hindi pa rin pala ako handa. I think I can never prepare myself for this one no matter how long the waiting process is.

Nakausap ko na si Andi pero sa tawag nga lang. She wanted to meet me but chances forbid it from happening. Nagkataon din kasi na nagkasakit ang inaanak kong si Keylan kaya 'di niya magawang umalis ng bahay dahil maliban sa pag-aalaga ng mga bata ay abala rin siya sa kanilang restaurants.

Hindi ko rin naman magawang daanan ang bahay nila dahil gina-gabi na ako sa pag-uwi dahil sa kaka-overtime sa trabaho na kinailangan kong gawin for ten days straight.

Napagkasunduan ng lahat na sa isang restaurant na lang nila Kaizer gawin ang pagtitipun-tipon. Kahit naman nabigla at nagtampo ang halos lahat ng kaibigan namin ay gusto pa rin nila na kahit paano ay gumawa ng post celebration para sa aming kasal.

"We're here." Untag sa akin ni Andrew nang ihinto niya na ang kotse sa tapat ng restaurant.

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

I breathe in and out for five times just to ease my nervousness but no to avail.

"Just relax, okay. We can do this." Nakangiting saad ni Andrew at binigyan ng magaang pisil ang kamay kong hawak-hawak niya.

"Yes, we can do this." Pagpapalakas loob ko sa sarili.

Umibis na kami mula sa kanyang sasakyan at agad binigay ang susi nito sa valet na naghihintay sa labas para maiparada ang kotse.

When we started marching inside the restaurant, we were already on our game face on. He held my waist while a smile plastered on both of our face. That night, we were in love.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now