"Sorry..." bulong ko.

"So totoo nga ba talaga na napilitan ka lang." Napaharap naman ako dahil sa gulat sa sinabi niya.

"Hindi ako napilitan..." kinakabahan kong sambit. Shete! Anong ginawa ko para magkaganito ang buhay ko?!

"Siguro nga mahal na mahal mo ang pinsan ko kaya wala na akong pagmamahal na nakuha galing sayo." Sabi nito saka ako tinalikuran.

Isa nalang ang pwede kong gawing paraan. At yun nalang ang tumatakbo sa isip ko.

Walang ano-ano ay niyakap ko siya mula sa likod niya. "Sorry.. Hindi naman ako napilitan na pakisamahan ka. Pinaramdam mo kasi sakin na mahalaga ako kaya tinanggap na din kita. Kaya wag mong isipin na hindi ka mahalaga sakin." Sabi ko.

Ramdam ko namang hinawakan niya ang kamay ko saka inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinarap niya ako na seryoso ang mukha habang ako ay nakasimangot.

"Totoo?" Seryosong tanong nito at tumango naman ako. "Talaga ba?"

"Oo nga! Hindi lang ako napilitang tanggapin ka! Totoong mahalaga ka sakin ano ba!" Sigaw ko.

Ngumiti naman ito kaya napayakap ako sa kanya. Bwisit siya akala ko di na kami magbabati. Akala ko, lalayuan na din niya ako katulad ni Gray.

Kumalas naman ito sa yakap saka ako hinarap. "Mag-enjoy nalang muna tayo sa party na ginawa mo." Nakangiti nitong sabi.

Hinila niya ako sa gitna ng quadrangle para sumayaw. Sakto namang naging slow music ang tumugtog kaya nilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya habang ang kamay niya ay nasa bewang ko.

Tinapos lang namin ang isang kanta saka kami umupo. Grabe! Isang kanta palang pero sakit na sa paa! Partida, di pa ako naka-heels niyan.

"Buti pala di ka nag-heels." Sabi nito.

"Hinding-hindi ako maghi-heels. Ayoko... di bagay sa nerd." Sagot ko naman habang minamasahe ang paa ko.

"Maglalakad-lakad na muna ako baka mamaya niyan may nagme-make out na." Natatawa nitong sabi saka umalis. Oo nga pala, overall president nga pala siya.

Bigla namang umupo sina Jaina at Jestine sa table namin. Pagod na siguro ang mga ito.

"Kailan ba ang kainan." Sabi nito saka ngumuso.

"Baliw ka ba. Pede namang kumuha ng pagkain doon oh." Sabay turo ni Jestine ng mga nakahilerang pagkain. "Di ka kasi nakikinig." Dagdag pa nito.

"Bigatin ka ata ngayon ah Jayce." Puri naman sakin ni Jaina.

"Naku gutom lang yan. Kumain na nga kayo..." pagtataboy ko sa kanila.

Nagsialisan naman ang mga ito dahil gutom na nga sila. Nagpasya naman na muna ako na tumayo pero may nahagip ang mata ko sa gitna, sa mga nagsasayawan.

Napatitig lang naman ako sa dalawang taong sumasayaw habang unti-unti ng namumuo ang mga luha sa mata ko.

Alexuz Gray's POV

Kararating palang namin ay agad ding nagsimula ang lahat. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang dj at nagpamusic na ito ng tugtugin.

"Pare hanap lang ako ng chickababes ha." Pagpapaalam ni Prince saka naglakad paalis.

Napatingin naman ako kay Von. "Ano? Di ka din makikisayaw?" Tanong ko pero umiling lang ito.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora