Chapter Sixteen

1.6K 37 3
                                    

XVI

Big time ang mga kaklase ko sa state university na napasukan ko sa Quezon City

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Big time ang mga kaklase ko sa state university na napasukan ko sa Quezon City. Swerte ko at nakapasa ako sa UP-D. Umaabot ng hanggang isa't kalahating oras ang biyahe kapag traffic sa edsa, pero sanayan lang talaga ng aga ng gising.

"Beth, please tulungan mo na ako sa report ko. Alam mo naman na wala na akong ibang maasahan kundi ikaw. Ayoko naman na walang kasama si 'Nay mamaya," pagmamakaawa ko sa best friend ko.

Nakahalukipkip si Beth. "Nakakaloka ka naman girl! Alam mo naman na may date kami ni Dan mamaya! Hay nako, may bayad 'to sige ka!"

Napanguso ako. "Magkano ba ang bayad? Hanggang singkwenta lang pwede ha? Alam mo naman na mababa lang ang sweldo ko sa karinderya ni Aling Mercedita."

Maasim niya akong tinitigan.

"Ang pipitsugin mo naman! Hay sabi ko naman kasi sa'yo di ba? Doon ka nalang din kasi sa bar na pinagta-trabahuhan ko! High-end ang mga umuinom doon, tapos kapag overtime ka may bonus pa. Hindi naman dancer a-applyan mo eh. Waitress!"

Inirapan ko siya.

"Tsaka na natin 'yan pag-usapan. Pero sige na, gawan mo lang ako ng report. Ako na bahala sa reviewer mo para sa finals. May OJT pa ako mamayang hapon," pagmamakaawa ko.

"Hay sige na nga! Tsk, pasalamat ka lablab kita! Tingnan mo, pinagpapalit ko si Dan para sa pesteng report mo!"

Niyakap ko si Beth ng sobrang higpit. "Thank you talaga, Bes! Malilintikan talaga ako 'pag wala ka!" masayang-masaya kong sabi.

Tumawa na lang siya. "Sus! Diyan ka magaling eh! Humanap ka na nga ng boyfriend para may taga-gawa ka ng report mo! Tsk! Dami-daming nanliligaw sa'yong guwapo panay irap ka naman sa kanila! Kung ako sa'yo, papatulan ko na si Axel. Fighting for valedictorian pa yun uy! S'an ka pa?"

"Hindi na Beth. Masakit na ang puso ko. Ayoko nang dagdagan," simpleng sagot ko.

Minatahan niya ako. Pabiro niya akong pinalo sa kanlungan. "Hoy! Anong drama 'yan? Wala ka namang naging boyfriend, gaga!" tawang-tawa ang mukha niya.

Umasim ang mukha ko. Wala nga akong naging boyfriend. Ex-fiancé lang.

"Hay nako! Hayang si Axel mestiso na, tapos singkit pa, tapos matangkad! Mayaman pa 'yan uy! Mabait. Ano pa bang hinahanap mong babaita ka?" mas nase-stress na ang bangs niya.

I frowned. Ano pa nga ba? Sa hirap ng dinadanas ko, may oras pa ba akong lumandi?

Napakamot ako sa ulo. "Hay pa'no ba napunta sa ganto ang usapan natin? Alam mo mabuti pa't tapusin na natin 'tong pinapagawa ni Prof," sabi ko pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa files namin.

"Buset ka talaga! May hindi ka ba sinasabi? Magkuwento ka naman kahit konti!" pangungulit niya.

May hapdi akong naramdaman sa bandang puso ko. Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin ako ng seryoso sa kaibigan ko. Napabuntong hininga ako. Ang tagal na nung huling beses na nakuwento ko siya...

Reaching for the StarsWhere stories live. Discover now