Chapter Eleven

1.9K 39 1
                                    

DEDICATED TO: xplainbee & Michikay1389 for your support! :)

XI

Walang imik kaming bumalik sa sasakyan niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Walang imik kaming bumalik sa sasakyan niya. Bumalik ang malamig na pakikitungo sa akin ni Tyler. Habang nagmamaneho siya, hindi ko maintindihan bakit nagsimulang pumatak ang mga luha ko sa mga pisngi ko.

That's it again... The familiar pain and guilt... Why am I this vulnerable and sensitive? Kung puwede lang na maging manhid ako sa sakit, papayag ako.

"Are you crying?" nag-aalalang tanong ni Tyler.

Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa bintana at pinunasan ang mga luha ko. Pinilit kong ibahin ang laman ng isip ko pero umikot-ikot ang mga ito.

Sisirain mo ang puso ni Chase.

Tuluyan nang lalayo sa'yo si Tyler.

Hindi ka mahal ni Dad.

Wala kang kuwenta!

Bumigat lang lalo ang puso ko kaya nanahimik ako at kinimkim ang lahat. Eversince I was young, all I do is mess up. Wala na akong nagawang tama. Baka iyon nga ang dahilan kung bakit walang nagkagustong makipag-kaibigan sa akin. Baka iyon nga ang dahilan kaya hindi ako mahal ni Dad...

Kung nabuhay lang sana ni Mom. Kung kumpleto sana kami. Naging maayos lang sana ang lahat. Siguro hindi ganito ka-miserable ang pamilya ko.

"Kung gusto mo nang umuwi, sige. Ibabalik na kita sa mansiyon," his voice is full of defeat.

"Huwag muna," napapaos kong sabi.

Diretso ko siyang minatahan. "Ituloy natin. Don't mind me, napuwing lang kanina."

He pouted. "Why are you lying? Sabihin mo nalang. Ano bang bumabagabag sa'yo?"

"It's not really a big deal."

Nanahimik siya. Siguro naiintindihan na niya na wala akong balak ipaliwanag sa kaniya dahil pagod na akong i-justify ang sarili ko.

"Don't be mad about my exes. I forget them once I leave. April was my ex when we were in high school. If you can't trust me enough, how will we get married?"

Nabigla ako sa tinanong niya. Napahalukipkip ako at natikom ang mga labi. Napatitig ako sa kaniya.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." His stare is cold and ruthless, but short kaya naka-iwas ako agad. I felt intimidated. I know my eyes are crystal clear and he can read them.

"Baby, will you stop hiding from me? I'm getting worried," dagdag pa niya habang nakakunot ang noo.

"I-I'm not hiding anything. I'm not feeling okay. That's all."

Reaching for the StarsWhere stories live. Discover now