Chapter Twenty-Five

1.7K 36 1
                                    

XXV

The hardest part about love is when you can't say what your heart wants to say because of fear

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The hardest part about love is when you can't say what your heart wants to say because of fear. There's that dangerous line that if you step on, it'll strangle you and choke you to death.

"Woooohhhh! Isa pang shot! Isa pa!" sigaw ni Beth na parang nilalabanan pa ang lakas ng kanta na dumadagundong mula sa naglalakihang speakers.

She took the shot glass and emptied its contents like it is water. Napaka-wild at agresibo niya ngayong gabi. Hindi ko pa siya nakitang ganiyan kahit kailan. May problema ba siya?

"Hinayhinay naman jan, babae! Mahaba pa ang gabi!" panunukso ni Jane sa kaniya.

Tumawa ng malakas si Beth. "Edi mas maganda! Magpakalasing tayong lahat at kalimutan ang mga putang nangga-gago sa'tin! Mga pakshet sila! Mamatay na silang lahat!" bulaslas niya at inubos nanaman ang isa pang shot.

Tiningnan ko lang ang baso ko ng gin na hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagalaw. Ayaw ng sikmura ko. Sa tinagal-tagal kong nagtrabaho sa bar na 'to, parang memorisado ko na ang lahat ng mangyayari.

I will get drunk, lose myself and forget, and then tomorrow, it'll hurt again.

Three tall men with athletic builds arrived in our table. Kasama na rin ang tinuturing na it-girl ng campus namin na si Kate. Mga kaklase ko sila. Sila iyung mga naging ka-grupo ko sa thesis noong 4th year kami. Tumaas ang kilay ni Axel sa nadatnan sa table namin.

"Oh, bakit parang lasing na ang babaeng iyan?" tanong ni Kate at nakangising itinuro si Beth.

"Ewan ko diyan! May problema 'ata sila ni Dan. Ayaw paawat sa baso niya eh. Kala mo nanakawin sa kaniya," pang-asar na banat ni Jane.

Kate laughed. "Hoy Beth! Tumayo ka diyan at sumayaw ka naman!"

Uminom nanaman si Beth ng isa pang shot at agresibong tinuktok pababa ang baso sa lamesa. Tumayo siya at minatahan si Kate.

"Ako pa ba ang hinahamon mo? Gaga! Unang kembot ko palang talo ka na!" Mayabang niyang ibinida.

"Huwag kang puro yabang! Gawin mo!" sagot ni Hans, ang jock ng klase namin.

Confident niyang hinubad ang suot na jacket at na-reveal ang hapit na top niya. Parang model siyang rumampa papunta sa dance floor na sinundan nina Jane at Kate. Sumama sina Hans at Lance sa kanila.

Pinaglaruan ko sa kamay ko ang shot glass at pinaikot-ikot sa kamay ang laman nun. Nang pumasok sa isip ko si Shaira na ikinakasal kay Tyler, nanuyo ang lalamunan ko. Inubos ko sa isang tumba ang gin ng walang kahirap-hirap.

"Ohh, di ko alam na manginginom ka rin pala!" mapanuksong sabi ni Axel na tanging naiwan sa table namin.

Tinapunan ko siya ng malamig na tingin. Hindi ako umimik. Oh please, you know nothing about my life!

Reaching for the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon