Chapter Twenty-Four

1.7K 34 0
                                    

XXIV

I woke up with sweat falling off my forehead

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I woke up with sweat falling off my forehead. I hid my face under the pillow. Halos umusok na sa kapulahan ang mga tenga ko.

In my dream... Tyler kissed me under the moon and I kissed him back. It was like a romantic scene in a movie.

So hopeless...

No! Wala akong napanaginipan! This can't be! May final defense ako ngayon at iyun ang kailangan kong pagtuonan ng pansin. Not all these hormonal thoughts!

Maigi kong pinatay gamit ang malamig na tubig ang kamunduhang pagnanasang nararamdaman ko. Nagsisitindigan ang mga buhok ko sa balat habang naliligo ako, pero hindi ko na masyadong ininda. This is for the better good.

Nanginginig akong naglakad na paika-ika papunta sa kuwarto at nagpatuyo ng buhok. Pansamantala ko munang sinuot ang extrang bathrobe na tuyo. Napansin ko sa digital clock na 5:00 palang.

Gising na kaya siya? Papasok kaya siya ngayon? Kung papasok siya, mas maganda kung kumain muna siya. It's still early. I have hours to prepare our breakfast. Mamayang alas-diez pa naman ang start ng defense at hindi naman ako nauuna kaya hindi ko kailangang ma-mroblema sa oras.

Pagkarating ko sa sala, napansin kong patay pa rin ang ilaw. Sinindihan ko iyon kaya parang bumulaga sa akin ang mga furniture at appliances na meron sa sala. It's not that I haven't seen these yesterday, but I just realized how expensive these things are. Kahit yata magpaka-kuba ako sa kakatrabaho sa bar, hindi ko ma-aafford na magkaroon ng ganito kagandang apartment.

It's a sin to envy... but it's a natural tendency to feel. Hindi ko kayang itanggi na iba na ang estado sa buhay namin ni Tyler. It's too far, I wonder if I could reach it someday.

I tied my hair up into a messy bun. Dumiretso ako sa kusina at pinakielaman ang well-equipped na kusina ni Tyler. Nag-brew ako ng kape at nag-mix ng pancake batter para gawing agahan naming dalawa.

Umalingawngaw sa buong kusina ang matamis na amoy ng butter at pancake. Natakam ako sa sariling niluluto. Matagal na rin nang huling nakatikim ako nito.

Habang nagluluto ako ng isa pang pancake, may dalawang maskuladong brasong yumakap sa akin mula sa likuran ko. Na-concious ako at nailang sa ginawa niya. Napakagat ako ng pang-ibabang labi.

I sensed his stiff abs on my back. Even the way his hot breath is fanning behind me seems too lecherous. I need to get rid of my adulterated thoughts that's why I composed myself strictly.

"Good Morning," he huskily greeted bago nilapag ang mukha sa balikat ko at pumatak ng halik.

Napanguso ako at nakiliti. "Baka masunog itong niluluto ko," paliwanag ko.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Then try hard to be careful. I'm really hungry," seryoso niyang sabi sa tenga ko.

Hindi ko mapigilang ma-distract. It's Tyler! His charms and appeal is so strong to not notice!

Reaching for the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon