Chapter Nine

2K 56 6
                                    

IX

"Tara na!" hila sa akin ni Travis patungo sa kotse na naka-park sa tapat ng tarangkahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tara na!" hila sa akin ni Travis patungo sa kotse na naka-park sa tapat ng tarangkahan.

Napakagat ako sa labi at lumingon pabalik ang tingin sa mansiyon. Nasaan na ba si Tyler? Bakit ba ang tagal niya?

"Hindi ba sasama si Tyler? Sa kaniya daw ako sasabay," sabi ko kay Travis. Naiilang kong tiningnan ang grupong kasama niya.

Matatangkad ang mga lalaki. Sa paraan nilang manamit, alam kong may kaya sila. Ganoon din ang mga babae na may mga make-up sa mukha. Ang iba ay konserbatibo, ang iba ay hapit at maiksi ang damit. Sa kanilang lahat, nanatili ang tingin ko sa babaeng kasama ni Tyler kagabi.

Tumaas ng presyon at ang iritasyon ko nang titigan niya ako pabalik. The bitch rolled her eyes at me. She's eyeing me like I'm a piece of competition. Sa paraan ng paninitig niya, ako ang dehado at walang laban.

"Ano nang plano niyo?" naiinip niyang tanong habang pinapaypayan ang sarili.

"Kelsey, chill ka lang. Hinihintay pa namin si Kuya."

Nagliwanag ang mukha ni Kelsey sa narinig. "Ako nalang kaya ang maghintay sa kaniya? Mauna na kayo guys!" masayang mungkahi niya.

Sumimangot ako. "Ako nalang ang maghihintay," sabi ko. Sino ba siya sa tingin niya? Girlfriend?

Once again, tinira niya ako ng masungit na pagtitig. "Oh come on! Para mauna na kayo. Kanina pa naghihintay sina Dan, right Dan?"

Tumingin ako sa tropa niya. Mukha ngang bored na sila, pero mukhang makapaghihintay pa naman.

Concerned akong tiningnan ni Travis. Nilapag niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko tulad ng ginagawa ni Harry sa akin.

"You're so cute when trying to be patient," natatawa niyang bulong sa tenga ko.

Namula ako. He's literally a prince, pati sa paraan ng pagtawa. Tinampal ko ang kamay niya na nasa ulo ko. "I'm not a puppy! Bakit ba ang hilig niyong guluhin ang buhok ko?" pabulong kong reklamo.

His chocolate brown eyes stared at me with amusement. Ang ngiting nasa labi niya ay unti-unting naging ngisi. "You're cute."

Pati yata tenga ko ay namumula na! Travis and his flattering tongue!

Lalong namuo ang iritasyon ni Kelsey. "Shit naman guys! Ako nalang kasi ang maghihintay. Tingnan niyo nilalamok pa kayo!" nakikipag-away ang tono niya.

Tinitigan ako ni Travis, hinhintay ang desisyon ko. Kapansin-pansin nga na nababagot na ang lahat. Pawis na pawis na rin ang iilan.

"Fine, mauna na tayo. Susunod naman si Tyler di ba?" may pag-aalala sa tono ko.

Kelsey snapped. "Paulit-ulit? Susunod nga kami! Bilis na, umalis na kayo!" iritadong sabi niya.

"What the hell is your problem Kels?" tanong ni Dan, ang barkada niya.

Reaching for the StarsWhere stories live. Discover now