Chapter One

4.9K 79 7
                                    

I

Right after my high school graduation, nagdesisyon ang pamilya namin na magbakasyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Right after my high school graduation, nagdesisyon ang pamilya namin na magbakasyon.

My veins were filled with excitement the moment our private helicopter landed on the helipad. I can't take my eyes off the sea through the helicopter window pane. Sa tagal kong namalagi sa Maynila, paanong hindi ko nami-miss ang ganda ng Cebu?

"Excited to wander around?" nakangising tanong ni Harry, pinsan ko. Nakaupo siya sa tabi ko.

Nginisian ko siyang pabalik habang nagniningning ang mga mata.

"Saan tayo unang pupunta?" excited kong sagot.

Kumunot ang noo ng bodyguard namin habang pinakikinggan ang usapan namin. Ngumisi ang pinsan kong si Harry. Kumuyom naman ang mga kamao ng bodyguard at ginantihan siya ng nakakamatay na tingin.

Hilaw akong ngumiti at inagaw ang atensiyon ng bodyguard naman.

"Uh Manong Alan, puwede po bang paki-dala nalang po ang maleta ko? I think Yaya is busy eh," pasimple kong request.

Dismayadong kinuha niya ang bag ko at kumawala ng hininga. "Sige po, Ma'am," he obediently said.

I faked smile on my lips. Sa totoo kasi, I hate my bodyguards. Nakakairita na nakikita ko sila kahit saan ako pumunta.

Naunang bumaba si Harry sa helipad, samantalang ako'y nag-suklay muna at nagsuot ng perfume. I will meet Tita Tatiana and she's really strict when it comes to looks and grooming.

"Thalia! Ba't ang tagal mo? Come here!" tawag ni Harry mula sa di kalayuan.

I stepped out the helicopter. My heels clicked against the cemented helipad. The wind blew my hair away as I took off my dark shades.

Pinagmasdan ko ang linya kung saan nagtatagpo ang langit at ang dagat. Nakamamangha kung paano naghahalo ang iba't ibang kulay sa langit. Pink, blue, orange and violet. Iba't iba ang diin, iisang magandang likha.

"Pinapatawag na po kayo ni Ma'am sa loob," matigas na sabi ng bodyguard.

I sighed, dismayed. Can't they wait a little bit more?

Nang sinundan ni Harry si Manong Alan, agad din akong sumunod patungo sa private lounge ng L'Horizon seaside resort.

Pagkabukas ko ng pinto, nahuli kong kaswal na umiinom ng tsaa si Tita Tatiana habang nagbabasa ng fashion magazines. Binati ni Harry ng halik ang kaniyang ina bago tumilapon sa sofa at inabot ang remote para manood ng TV.

"I'm glad you came early! Kanina pa ako naghihintay sa inyo!" sabi ni Tita bago ako hinalikan at yinakap nang namataan niya ang aking pagdating.

I smiled back at her sweetly. "We had no problem during the ride. Maaga po kaming nakaalis," wika ko.

Reaching for the StarsWhere stories live. Discover now