CHAPTER 28

78 2 1
                                    

28

Phoebe’s POV

“Sigurado ka ba?” bulalas ko. Nagpintig ang tainga ko nang sabihin ni Isabel na papainumin nya ng sagradong tubig si Cathy. Agad akong napahilamos ng mukha.

“Oo” sagot nya. Ilang beses akong nagpalakad lakad at napaisip.

“Wala na bang ibang paraaan? Delikado para sa kaniya na gawin yon!”

“Alam ko!”

“Oo, alam kong alam mo pero”

“Pero wala ng ibang paraan” seryoso nyang sagot. Bumigat anag pakiramdam ko. Mukhang malala na ang sitwasyon ni Cathy para humantong kami sa ganito.

“Wala na? Hindi pa nga natin alam kung ano ang tumubo sa katawan nya tapos wala ng paraan?”

“Hindi na natin kailangang alamin pa”

“Alam mo na?”

“Oo" diretsong sagot nya. Nabuhayan ako dahil doon na para bang sumilay ang pag -sa " Sinapian sya”

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ng mukha ko ng mga oras na yon. Sapi? seryoso ba siya? Hinihintay kong syang tumawa at sabihing nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha nya at hindi kababakasan ng kahit anong biro.

“Nagbibiro ka diba?” umiling sya at doon lang napa -awang ang bibig ko.

“Dalawang beses na natin syang pinahiran ng sagradong tubig hindi ba? Una yung sayo, pangalawa yung akin pero walang nangyari. Inilubog ko pa sya dito pero wala pa ding nangyari. Tapos nag-iba pa ang kulay ng mata nya at parang wala syang lakas na gumalaw. Phoebe, kung sa simpleng tao lang, kahit duguan pa, may saksak o tama ng bala o kaya kahit kanser pa, madampian lang ng sagradong tubig, milagrosong gagaling na pero siya, lumalaban ang katawan nya dito. Baka kaya hindi sya gumagaling ay dahil wala naman syang sakit, pero may ibang nasa loob ng katawan nya na hindi natin nakikita” napanganga na lang ako sa pagkabigla at nagtayuan ang mga balahibo ko.

“Paano? Sino at ano naman ang sumapi sa kaniya para magkaganoon sya?” bulong ko. Hindi ko mahanapan ng koneksyon ang sapi at ang nangyayari katawan nya ngunit hindi ko din mahanapan ng pagdadalawang isip ang kaibigan ko. Napailing ako. May punto sya na lumalaban ang katawan ni Cathy dahil imbes na magamot sya ay nasasaktan pa sya.

“Hindi ko alam at wala akong ideya pero iyon ang gusto kong alamin”

Hinawakan ko ang kamay nya “Hindi ba ginawan mo ng proteksyon ang bahay natin. Pati nga siya pinagsuot mo ng singsing na may proteksyon. May kinalaman ba ‘yon doon?” hindi sya kaagad nakasagot.

“H-hindi ko alam… ano, wala”

“Kung protekson lang din, protektado mo sya. Hindi ko nauunawaan kung paano nangyari”

“Mabuti pa, itigil na lang natin ang kaiisip at gawan na lang natin ng paraan dahil kung kung tama talaga ako, hihigupin non ang natitirang enerhya sa katawan nya”

***

Inabot ni Isabel ang kaniyang sagradong tubig kay Cathy para inumin. Nagsalita siya "Sana naman kapag ininom mo yan, tumalab na. Ano ba kasing nangyayari sayo at bakit may kung anong tumutubo sa katawan mo?"

Ramdam ko ang inis sa kaniyang tinig dahil alam kong pagod na siya sa paulit-ulit na pagpapagaling kay Cathy. Itinaas nito ang kaliwang braso kasabay ng isang malalim na paghinga saka tinitigan ang mga tila kaliskis na tumubo dito. Hawak niya sa kanang kamay ang tubig, pinagmasdan sandali, mariing pumikit saka ito ininom. Kasabay nito ay ang dasal ko na sana ay gumaling siya at kayanin ng mortal nyang katawan ang lakas nito.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Where stories live. Discover now