CHAPTER 13

121 4 1
                                    

CHAPTER 13

"Phoebe, gising na. Anong oras na!" sigaw ni Isabel sa akin.

Si Cathy naman ay nagtatatalon sa ibabaw ng aking kama at pilit akong ginigising

Kahit nakasara pa ang mga mata ko ay sinagot ko sila

"Ano ba. May orasan naman dyan sa baba. Bakit sa akin nyo itinatanong kung anong oras na" kinapa ko ang kumot ko at nagtalukbong.

Gusto ko pang matulog.

Wala pa yatang tatlong oras ang tulog ko. Puyat na puyat pa ako kaiisip.

Narinig kong parang hinawi nya ang kurtina. Bakal na ring kasi ang nakakabit dito. Bigla nyang hinatak ang kumot na nakatalukbong sa akin at napapikit ako lalo dahil sa liwang ng sikat ng araw

"Hoy babae, huwag mo akong pinipilosopo ha" sermon nya "Tumayo ka na dyan. May pasok pa tayo."

Pasok. Hay, bakit ba ako pumapasok ulit ng eskwelahan.

"Ayaw kong pumasok" bulong ko
"Anong ayaw pumasok? Bakit?
Hay nako. Tumayo ka na dyan"

Hinatak nya ang paa ko kaya nakaladkad ako papunta sa dulo ng kama. Pagod lang ako eh pero kung hindi papatulan ko si Isabel.

Ideya naman talaga ni Isabel na bumalik kami sa pagpasok sa eskwela. Naboboringan na siguro sya sa buhay na walang ibang ginagawa kaya naisipang mag aral na lang muli. Hindi ko s'ya masisisi. Mas nakakapagod naman talaga ang ubusin ang isang buong araw sa wala lang.

Teka, hindi ba sya galit sa akin at kinakausap nya ako?

"Sab" sambit ko sa pangalan nya

"O bakit?"

"Ate hindi ka nagpalit ng damit?" tanong ni Cathy.

Napadilat ako dahil sa tanong nya. Oo nga, kung ano ang suot ko kagabi ay iyon pa rin ang suot ko hanggang sa nakatulog ako

"Phoebe pwede ba bumangon ka na dyan. Maligo ka na!" hinatak na nya ang kamay ko kaya napabangon na rin ako ng tuluyan pero bigla nya akong binitawan nang mahawakan nya ang tshirt na suot ko.

Matapos akong bitiwan ay hinawakan nya muli ang suot ko at parang iniinspeksyon ang damit ko

"Ano 'to? Dugo?" tanong nya. Si Cathy ay naki usyoso na rin. Inamoy pa nya ito

"Hala Ate dugo nga" sagot niya, halatang natakot at nagulat

Nako, ito na. simula na ng tanungan parang walang katapusan.

"Hoy Phoebe, dugo ba 'to? Saan ka ba talaga nanggaling kagabi? Si Raven ba ang kasama mo? Bakit bayad na ang bill mo sa ospital? Bakit wala ka na sa ospital? Bakit hindi ka umuwi agad? Bakit kung saan saan ka pa yata nagpunta? Bakit gabi ka na umuwi? Bakit may mga kandilang tunaw doon sa labas? Ano? Bakit hindi ka sumasagot! Nagaalala ako sayo kagabi! Nahilo na lang ako kakaisip kung nasaan ka!"

Akala ko tapos na sya ngunit hindi pa pala

"At bakit sinasabi ni Cathy na ipinagtirik mo daw ng kandila yung mga nakasama mo sa nagdaang 300 taon?!"

Narindi na lang ako sa mga tanong nilang dalawa. Paano ko ba sasagutin ang mga iyon. Ang haba at ang daming tanong.

"Ate,sabi mo mag eexplain ka" nakangusong saad ni Cathy.

Napakamot ako ng ulo. Kagigising ko lang ngunit ito na ang humarap sa akin. Naghikab pa ako bago ko sinagot ang tanong nya

"Ano, e paano ba. Ang dami nyong tanong. Lalo akong naguluhan ba" nag aalangan kong sagot.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Where stories live. Discover now