CHAPTER 14

93 4 1
                                    

Dec. 20, 2017

Not so important fact:
I started writing this even before I finished writing Chapter 13. It has been a freaking month and more and I am still not done. Damn! Also, I plan to finish this story before the year ends but I don't think that's gonna happen. So, I guess we'll have to celebrate this story's second anniversary in 2018.

December 25, 2017

Merry Christmas everyone~!
Pasko na pero August pa rin sa kalendaryo ng istoryang ito 😂

Jan 04, 2018

Happy New Year~ 🎉









14

Naging madilim ang buong paligid ay napuno ng sigawan ang kaninang masayang silid. Ang nagsilbing liwanag ay ang katitining na sinag ng araw nananggagaling sa labas. Hindi magkamayaw ang mga estudyante maging ang mga guro sa pagtakbo palabas ng gymnasium dahil sa hindi inaasahang pagsabog.

Mas malaking pasabog pa rin ang paglabas ng mga litratong 'yon. Walang tatalo doon. Ang kabog ng dibdib ko ay hindi ko makontrol. Parang nagmamadali at nakikipag unahan dahil sa kaba at gulat.

Paulit ulit akong natamaan ng mga nagmamadaling lumabas ng gymnasium ngunit hindi ko iyon ininda dahil masyadong abala ang utak ko para isipin pa na umiwas para hindi nila ako tamaan. Sina Cathy, Louie, Claud at Dar ay napaupo sa gulat dahil sa pagsabog.

Nanatili lamang sila sa isang pwesto at takot na takot samantalang si Isabel ay nakatayo rin malapit sa akin at hindi rin iniinda ang paulit ulit na pagbunggo sa kaniya ng mga taong hirap sa pagtakbo dahil sa garbo at bigat ng kanilang mga kasuotan.

Mayroong mga security guard na inakay na kami papalabas ng gymnasium at pinalabas lahat ng natitira pang tao na naroon. Kailangan daw i-secure ang lugar dahil sa pagsabog.

Nanginginig pa ang mga kasama namin dahil sa pagkagulat sa nangyari. Si Cathy na biglang napahawak sa kamay ko ay napakatindi ng panlalamig at putlang putla dahil sa gulat.

"Ate...Ate" nanginginig n'yang sabi. Tumingin s'ya kay Isabel at inirapan s'ya nito. Hinampas n'ya ito ng malakas sa braso "Ate naman! Sobrang kinabahan kaya ako!" reklamo nito.

Alam na malamang nito na si Isabela ang may gawa

"Omygash... grabe naman this day" narinig kong bulong ni Louie. Nilingon ko sila at magkakahawak ang kamay nilang tatlo nila Dar at namumutla din. Nang may magbagsakan ngang mga lata doon sa basurahan sa kinaroroonan namin ay agad napatalon ang tatlo ganoon din ang iba pang nasa paligid. Ibang gulat ang naging epekto sa kanila ng pagsabog na iyon at kahit pa ang pula pula ng labi ni Louie ay bakas pa rin ang pamumutla n'ya

Karamihan ng mga estudyante sa aking tantya ay hindi na lumayo sa pinangyarihan dahil napuno ang harap ng gymnasium ng sandamakmak na estudyanteng nakaabang sa kung anong susunod na mangyayari. Sa palagay ko nga ay ang iba sa kanila ay wala naman sa loob ng gymnasium kanina. Kumbaga naki-usyoso lang.

Ang mga opisyal sa unibersidad at mga security guard naman ay patuloy kaming itinataboy dahil sa panganib raw na naka-amba dahil sa pagsabog. Kami ang panganib na tinutukoy nila; sa isip isip ko.

Maybulungbulungan pa aming likuran na may sumabog daw na bomba; kesyo baka may nag amok daw.

May mga pulis na dumating at pinaligiran na ang gymnasium Nahawi naman ang daanan nang dumating ang mga bumbero -marahil dahil sa peligrong magkasunog dahil sa dami ng bumbilyang sumabog.

Bathala! Ano po ba itong pinasok namin? Napakaraming naabala dahil sa kagagawan ni Isabel

Nagmamasid pa ako sa paligid nang bigla akong kinabahan nang tinitigan ako ni Claud. May iba sa tingin nya. Hindi ko maintindihan pero para nakakakaba.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Where stories live. Discover now