CHAPTER 5

169 7 0
                                    


5

Pananakop pa ng mga Amerikano ng manilbihan ako sa isang mayamang pamilya sa Bataan. Sila ang pamilyang Zalavaria. Nakuha nila akong tagapag alaga ng bunso nilang anak na si Maria Corazon na limang taong gulang pa lamang ng sinimulan kong alagaan.

Kaaalis ko lang noon sa huling bayan na tinirahan ko sa parteng Mindanao. Nakikisakay ako sa mga may malalaking Bangka para makatawid at makahanap ng bagong lugar na malilipatan. Yung walang nakakakilala sa akin. Mag-isa kong ginawa ang lahat ng 'yon.

Maayos ang pakikitungo sa akin ng pamilya nila. Hindi nila ako minamaltrato o sinasaktan manlang. Pakiramdam ko ba ay parte na rin ako ng pamilya nila kahit na ako ay isang hamak na katulong lamang nila noon.

Magsasampung taon na rin ako sa kanila noon ng napuna ko na marami na ang nakakapansin sa hindi pagtanda ng aking hitsura. Kahit ang ibang kasama kong katulong ay nagtataka na rin. 15 taon na rin noon ang alaga kong si Maria Corazon. Nagdadalaga na sya at nagiging ganap nang binibini pero ako ay nananatili pa ring mukhang bata.

Noong malapit na ang ika-16 na kaarawan nya ay nagdesisyon ang kanyang ama na lumipat ng matitirahan. Sa pagkaka-alam namin ay sa Bulacan sila lilipat. Sa dami ng katulong nila, tanging ako lamang ang pumayag na sumama patungo roon dahil wala naman akong pamilyang pupuntahan. Ang pakilala ko sa kanila ay isa akong ulilang lubos; na ang totoo ay wala naman talaga akong pamilya.

Bago pa man kami umalis ay umugong na ang balita tungkol sa mga magulang ni Maria Corazon; ang mga amo ko. Sumabak kasi sila sa pulitika at maraming nagalit sa kanila. Doon din naging matunog ang mga balitang kaya sila lilipat ng bahay ay dahil sa mga banta sa kanilang buhay.

Noong araw ng byahe namin, ako ang kasama ni Maria Corazon sa kalesa na sinasakyan namin. Mayroong bukod na kalesa para sa mga gamit namin kaya naman hindi kami hirap sa byahe pero ang mga kabayo, oo. Ilang oras lang ay kailangan na naming tumigil sa pagbyahe dahil kailangan kumain o magpahinga ng kabayo.

Sa tuwing tumitigil ang kabayo, bababa kaming dalawa ni Corazon at maglalakad lakad sa damuhan. Wala pang masyadong sementadong kalsada noon. Tanging mga tulay at simbahan lamang ang may maayos na istraktura.

Bumababa rin ng kalesa nila ang mga magulang ni Maria Corazon pati na rin ang mga kapatid nyang mas nakatatanda sa kanya. Sya ang bunso sa magkakapatid. Napakasaya nilang panoorin habang nagtatawanan sa mga biro ng mga kapatid na lalaki nito. Masaya ako na kahit papaano ay parte ako ng pamilyang ito.

"Manang Laura" pagtawag sa akin ng alaga kong si Maria Corazon. Laura ang Pinili kong pangalan noon. Nakita ko lang 'yon sa isang bote ng inumin noong bumabyahe ako papunta rito. Nakikisakay kasi ako at kadalasan sa lugar na imbakan lamang nila ako inilalagay dahil hindi naman daw ako magbabayad.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya. Nakatayo sya sa ilalim ng puno ng mangga at nakatingala

"Ako'y tulungan mo sa pag-abot ng manggang iyon. Mukhang masarap!" masaya nyang tugon

Nagtungo ako pwesto nya at tumingala. Mababa lang naman ang puno ng mangga at kungtutuusin ay kaya na niyang abutin pero sa akin nya pa ipakukuha. Bukod sa mas matangkad ako sa kanya, hindi rin siya sanay gawin ang mga bagay ng mag-isa. Sanay siyang lagi akong nasa tabi nya para tulungan at alalayan siya.

Tumapat ako sa pwesto ng bunga nga mangga at saka tinalon 'yon. Nasa pitong malalaking mangga ang nakuha ko isang hablutan dahil pati ang sanga ay natanggal ko.

"Ang galing mo talaga Manang Laura" masayang saad niya

Pinagsaluhan naming lahat ang mangga. Asin lang ang naging katapat ng mga ito. Ganito ang buhay noon, simple lang. Hindi mo kailngan ng maraming baon o ano man dahil sa byahe lang ay may madadaanan ka ng maaring kainin. Ganitong bagay lang ay masaya ka na.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Where stories live. Discover now