CHAPTER 2

352 8 2
                                    


2


Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto ng bahay ko‑ namin nila Isabel at Cathy. Nakauwi na ako sa amin at inihahanda ko na ang tainga ko sa dami ng tanong nila. Wala sa garahe ang kotse na gamit namin kanina marahil ay nasa pagawaaan pa ito dahil sa nangyari kanina. Sobrang napagod ako sa bahay ng lalaki na 'yon.

"Buti naman at dumating ka na" tipid na bati sa akin ni Isabel. Nasa sala silang dalawa ni Cathy at parehong nakakunot ang mga noo nila. Seryosong seryoso ang mga mukha nila at nakatingin lang sa akin.

"A-ate, ano yang nasa laylayan ng damit mo?" tanong ni Cathy. Napatinginn ako sa laylayan ng damit ko at nakita ko ang kulay pulang mantsa sa damit ko. Halos kulay dugo.

"Dugo ba yan?" Mabilis na tumayo si Isabel sa sofa at nilapitan ang kinatatayuan ko.

"Dugo ba to?" mataray na tanong nya. Inalis ko ang pagkakahawak nya sa laylayan ng damit ko at tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano ka ba? Hindi yan dugo. OA lang si Cathy" depensa ko

"Sigurado ka?" nag-aalala nyang tanong

"Oo. Masyado ka ng nagagaya jan" sabay nguso ko kay Cath. Itinuro nya ang sarili nya at nag 'whaaat' sya "Nagiging OA ka na din."

"OA na kung OA. Kanina, ang weird kasi ng nangyari. Nabangga tayo. Malakas ang impact sa atin pero katiting na yupi at gasgas lang naman ang tinamo ng sasakyan" paliwanang ni Isabel. May punto sya. Sa lakas ng pagkakabangga dapat matindi ang sira ng sasakyan

"Tama tama" singit ni Cathy Hinawakan nya ang kamay naming dalawa at hinatak kami paupo sa sofa "Pero maupo muna kayo ha? Parang mga hindi kayo nangangawit sa pagtayo eh" Tinaasan lang sya ng kilay ni Isabel. Habang nakaupo na kami, itinuloy na nya ang kinukwento nya.

"Heto na nga, habang nakatayo ka kanina, noong nakasandal ka na sa kotse at hawak ka nung mga lalaki, nakakapagtaka. Sobra. Kasi kahit anong pilit namin buksan yung pinto, ayaw talaga." Paliwanang nya.

"Oo nga ate. Hindi naman naka-child lock yung sa pwesto ni Ate Isabel. Lalong hindi naman sa pwesto ko. Ang mas nakapagtataka pa, Nung hinatak na ng lalaki eh nabuksan ng kusa yung pinto." Singit ulit ni Cathy

"Ano ba Cathy? Nagkukwento ako nakikisawsaw ka sa usapan!" reklamo ni Isabel

"Nakikisawsaw?" sagot ni Cathy "Hindi kaya!" Depensa nya pa "Binibigyan ko lang si Ate ng isa pang POV ng pangyayari. Bleeeh!" Dumila sya sabay takbo palayo ng kaunti sa pwesto namin dahil parang hahampasin na sya ni Isabel

"Ano ba yan! Mag aaway na naman ba kayo?" pambabara ko sa kanila

"Hindi" Sabay nilang sagot. Umupo na ulit si Cathy sa pwesto nya kanina

"At isa pa nga pala. " dagdag ni Isabel. "Hindi kita matawagan! Noong una, nagriring pa, pero bigla na lang hindi ko na talaga macontact" habang sinasabi nya iyon ay kinukuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko. Itinapat ko sa mukha nya ang cellphone kong basag ang screen at puro gasgas.

"Anong nangyari jan Ate? Ba't nagkaganyan?" takang takang tanong ni Cathy

"Nahulog sa hagdan. " matipid na sagot ko. "Saka ko na sasagutin yung iba nyong tanong ha. Napapagod na talaga ako at gusto ko ng magpahinga" sa totoo lang ay pagod talaga ako. Pero isa pang dahilan ay umiiwas ako sa iba pa nilang tanong tungkol sa nangyari. Tumayo ako at maglalakd na sana palayo pero hinatak ni Cathy ang kamay ko

"Ayos ka lang ba Ate?" nag aalalang tanong nya. Tumingin ako kay Isabel at kita ko sa mukha nya na iyon rin ang gusto nyang itanong

Tumango ako at sumagot "Ayos lang ako. 'Wag kayong mag alala. Itutulog ko lang to." Ngumiti ako at umalis na sa sala. Umakyat ako papuntang second floor

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon