CHAPTER 18

66 3 0
                                    

July 25, 2018

Sinipag na naman ako. Sana magtagal ang kasipagang 'to HAHAHA

18

Lalo pang lumakas ang ulan habang pa-uwi ako. Para bang bubutasin nito ang bubong sa sobrang lakas. Dumilim ang paligid at kahit hapon pa lang ay tila gabi na.

Hindi ko mabuksan ang gate ng aming bahay dahil ikinandado ito na panigurado ay si Isabel ang may gawa. Nabalog na lang ako sa ulan dahil sinusubukan ng aking lakas na basagin ang lock pero bigo ako kaya ginamitan ko na ng gaway. Ang lakas pa ng gaway na ginamit niya kaya nahirapan pa din ako.

Sa eksaktong pagtapat ko ng pinto ay bumukas ito at ang seryosong mukha ni Isabel ang bumungad sa akin na tila ba alam na darating ako. Hindi na din ako nagtaka dahil paniguradong naramdaman niya ang pagkawala ng gaway na siya ang gumawa. Nawalan tuloy ako ng ganang magkwento.

"Buti nakapasok ka" walang emosyon niyang saad. Tatanggalin ko na sana ang lahat ng tubig ulan sa katawan ko nang pagtingin ko sa sahig ay nagkalat ang dalawang di pamilyar na sapatos.

"Sinong nandito?"

"Claud and Louie"

Kahit basang basa ako ng ulan ay pumasok ako sa loob ng bahay at binati naman ako ng dalawa. Yakap yakap nila ang malalaking kahon ng popcorn na ang ibang piraso ay nagkalat pa sa sahig. Magkakatabi silang tatlo sa iisang sofa at si Isabel naman ay bumalik sa kaniyang pwesto, sa solong upuan.

"Hi Ateee!" Masiglang bati ni Louie saka uminom ng softdrinks

"Bakit basang basa ka Ate? Wala ka bang payong?" Kunot noong tanong ni Claud. Nawalan na din ng silbi ang payong na dala ko dahil sa  pagpupumilit kong buksan ang gate.

Naningkit naman ang mga mata nila Isabel at Cathy habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ah, ano" pilit akong tumawa "Nasira kasi yung payong ko" palusot ko.

Nagpalit ako ng damit at tinuyo ang aking katawan pati ang buhok. Isang kumpasan lang ito. Nakakakaba ang ginawa ni Isabel. Baka mamaya sa mismong bahay na niya ako hindi papasukin. Kahit pa may bisita kaming tao ay hindi niya pa din pinalampas na ilabas ang inis niya sa akin. 

"Tuyo na kaagad ang hair mo Ate?" Bati ni Louie. Kaagad akong napahawak sa aking buhok saka napahatak ng konti. Ang tanga lang Phoebe. May iba nga pala kaming kasama. 

"Ah, ano. Nag blower ako" pasimple ko. Umiling iling sina Isabel at Cathy.

Hindi ko alam kung anong pinapanood nila. Kunwari ay naiintindihan ko. Umupo ako sa isang solohan na sofa na katapat mismo ng inuupuan ni Isabel. Nakaka asiwang tignan siya dahil pa-upo pa lang ako ay umirap na.

"Uhm, ano... bakit kayo nandito?" Pagkatanong ko ay saka ko naisip na napakasagwa pala ng tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ng dalawa. 

"Ano ba naman 'yan Ate! Syempre namiss namin kayo! Wala kasi kayong paramdam" Natatawang tugon nito na sinundan naman ng  'plasssticcc!' ni Louie gamit at matinis niyang tinig.

"Namiss daw!" Kantyaw pa nito. Binato naman siya ni Claud ng popcorn sabay sabing "Gaga. Plastic ka dyan! Bakit ikaw, hindi mo namiss?"

"Namiss! 'To naman. Joke lang girl. Syempre namiss ko sila. Lalo na si Ate Isabel!" Masaya  niyang saad saka gumawa ng puso gamit ang kaniyang kamay at saka humarap dito. Si Isabel, bilang hindi sanay sa ganito ay naasiwang ngumiti na lang dito bilang ganti.

"Tse. Plastik ka din!" Kantyaw pabalik ni Claud at binato ng popcorn ang kaibigan. Nagpalitan sila ng pagbato ng popcorn sa pagitan ni Cathy na pilit iniiwas ang kaniyang mukha.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Where stories live. Discover now