CHAPTER 9

131 7 0
                                    

Chapter 9

Liwanag ng sikat ng araw ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mata. Iginala ang aking tingins sa paligid.

"T-teka" bulong ko. Kinusot ko ang aking mga mata. Nasa kwarto ako ni Cathy. "Paano ako napunta dito?"

Walang orasan sa kwartong ito.

Lumabas ako at tinignan ko ang oras sa sala kung saan may isang malaking orasan. "8:12 na" bulong kong muli. Tahimik ang paligid. Mukhang walang tao sa bahay ngayon. Inalala ko rin kung anong araw ngayon.

"Hala!" sigaw ko. May pasok pala ako ngayon. Nasampal ko ang noo ko. Agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Agad kong binuksan ang shower at nagsabon ng mukha. Nang mahilam ako ay agad kong binanlawan ang aking mukha. Lumingon ako sa salamin sa may lababo.

"Ano ang ginagawa ko? Bakit ako nasa bahay? Paano ako nakauwi sa bahay?" sunod sunod kong tanong sa sarili ko.

Piilit kong inalala ang mga nangyari kahapon.Hanggang sa matapos akong maligo at magbihis ay iniisa isa ko ang mga naalala kong pangyayari.

"Nakilala ko si Claud at Louie" bulong ko. "Nagmall kami. Nakita namin sila Angel at Czerina. Napaaway kami. Nag kape kami -ako" binibilang ko sa daliri ko ang mga binabanggit ko. Dalidali kong kinuha ang aking cellphone. Hindi ako nahirapang hanapin 'yon dahil nakapatong lang sa isang table. Sinigurado ko kung tama ang naalala kong tumawag sa akin si Raven.

"Totoong tumawag siya" napapitik pa ako ng daliri dahil sa napagtanto ko

"Aray!" sigaw ko. Nawaglit kasi sa akin na nailapag ko pala ang blower malapit sa braso ko. Hindi na kinaya ng balat ko ang init.

Rumehistro sa utak ko lahat ng nangyari kahapon sa bahay niya.

"Nagkasigawan kami... sumuod sila...." Napahinto ako sandali. Inaalala ko ang isang pangalan

"Homer. Tama. Si Homer" Pinatay ko na ang blower at ipinusod ko ang aking buhok "Iginawa ako ng tsaa ni Raven" saad ko. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. "Dumating sila Vincent noong na corner kami nila Homer"

Natahimik ako, napatulala at napangit ng maalala ko ang mga nangyari.

***

Dumating sila Vincent lulan ng mga kotseng hindi ko na maalala kung ano ang kulay. Kasunod nitong bumaba sila Bry, ang iba pang pamilyar na mukha. Hindi ko nakita ang mga naging reaksyon ng mga kasama ni Homer dahil lahat sila ay nakatalikod sa akin at nakaharap sa mga lalaking ngayon ay nakapaligid sa kanila kasama ng mga kotseng naghilera sa kinaroroonan namin.

Wala ng sagutang naganap. Hindi na nagpatumpiktumpik pa ang grupo nila Homer at agad ng sinugod sila Vincent. Sa tantya ko ay patas na sila ng bilang ngayon. Hampasan, suntukan. Kahit pa namatay na ang mga ilaw ng kotse at muli na namang dumilim ang paligid, hindi mahihirapang ilarawan ng kahit na sino ang nangyayari. Malinaw na maririnig ang mga tunog ng bakal at tunog ng mga kamaong tumatama sa iba't ibang parte ng kanilang mga katawan.

"Phoebe, ayos ka lang?" mula sa likod ko ay tinanong ako ni Raven. Tahimik kaming nakatayo sa may pader.

"Oo. Ikaw ba?" sagot ko. Humarap ako sa kaniya ngunit naaninag ko lang sya. Hindi ko siya nakita ng maayos.

"O-oo" naautal niyang sagot. "Shit buti na lang dumating 'yang mga 'yan " dagdag niya. Pinatutungkulan sila Vincent. "Paano kaya nila nalaman?" tanong niyang muli

"Saka na lang natin alamin. Umalis ka na lang muna dito" utos ko sa kaniya.

"Anong ako ang umalis dito? Ano? Maiiwan ka?" reklamo niya. Kahit hindi ko makita ng maayos ang kaniyang mukha ay nailalarawan ko sa utak ko ang hitsura niyang naiinis na nagrereklamo.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Where stories live. Discover now