CHAPTER 10

157 7 0
                                    


Sa mga nagbabasa po nito, salamat ng marami.
Nag edit din ako ng ibang chapter dahil sinisikap kong wala sanang typo. Sana nga wala na. Haha.

-Ahn Rahel

Ps. Comment, Vote and Share
Ps squared. Please bear with me guys. I really wanted to update but I just can't publish a chapter that is made out of random ideas that doesn't seems to match and I don't want a sabaw update. I know no one cares but still, HAHAHA

CHAPTER 10

Sana ay sinabunutan ko na lamang din sya. Sana ay pinatulan ko na lang dn sya at hindi ko na lamang kinalma ang aking sarili. Tutal naman ay gusto ko naman na talaga syang kalbuhin kanina dahil sa mga pinasasabi niya. Sana ay ginawa ko na lang syang palaka - Napailing ako

"Ano ba yan Phoebe" pagkausap ko sa sarili ko "Kailan ka pa naging maldita? Kung ano anong iniisip mo" pabulong kong reklamo sa aking sarili

"Sinong kausap mo Ate?" tanong ni Cathy. Nakahiga na kasi kami at patulog na sana pero kung ano ano pang tumatakbo sa isip ko

"Ah wala. May iniisip lang ako" tugon ko.

Pinagdugtong nya at ni Isabel ang aming kama kaya isa na itong malaking kama na hinihigaan naming tatlo. Hiling kasi ito ni Cathy, ang tabi tabi kaming matulog. Katulad noon.

Umupo ako at luminga sa paligid. Nakita ko ang mga larawan naming na kunuhanan ni Cathy noong nakaraan gamit ang Polaroid nya.

Napalingon ako sa gilid ko dahil pakiramdam ko ay may nakatingin as akin. Si Cathy, nakangiti at namumungay ang mga mata. Alam kong ay hihlingin sya. Alam na alam ko ang hitsurang yan.

"Bakit ganyan ang ngiti mo?"

"Kalimutan na muna natin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw" hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi "Ilang araw na lang magiging kaedad ko na kayo!"

"Ha?" tangi kong tugon habang magkasalubong kami ng kilay

"Anong pinagsasasabi mo jan Cathy?" tanong ni Isabel na akala ko ay tulog na

"Kasi nga diba, ngayon ang pakilala nyo ay 20 years old na kayo. Malapit na akong mag 20!"

"Ahhh" tugon naming dalawa ni Isabel. Si Cathy ay mag 20 taong gulang na sa August 27.

Napakabilis ng panahon, dati ay isa lamang syang batang masama ang tingin sa mundo dahil sa mga pinagdaanan nya sa buhay. Mga problemang dahilan ng paghinto nya sa pag aaral ng dalawang taon na nasabay pa sa K-12 kaya ngayon ay mas may gulang sya kaysa sa mga kasabayan nyang estuyante.

"Anong gusto mong regalo?" kaswal na tanong ni Isabel. Agad naman nag pormang nag iisip si Cathy. Nakalapat pa ang mga daliri sa labi

"Ito!" inilahad nya ang kanyang palad sa harap ni Isabel

"Anong iyan?" tanong ko

Nilingon nya ako sa sumagot "Yung magic!" Masaya nyang sagot.

Magic, o gaway kung ano pa man ang maaring itawag doon. Matagal na nyang gustong matuto non pero hindi namin siya tinuturuan. Sa kasaysayan, wala pang tao na kinayang manggaway katulad ng ginagawa namin. Nangangailan kasi ito ng napakaraming enerhiya, isang bagay na sabihin na natin limitado sa mga tao. Hindi sa tulad naming na galing sa ibang mundo, kaya ng katawan namin ang lakas ng enerhiya nito dahil agad napapalitan ng aming katawan ang enerhiyang mawawala sa amin.

Sayang nga lang at hindi sapat ang enerhiya ng mundong ito para panatilihin ang kakayahan naming magpagalaw ng tubig. Ito ang dahilan kung bakit bihira lang namin gamitin ang kakayahan naming iyon. Mas madalas naming gamitin, mas mabilis itong mawawala. Ito na rin ang dahilan kung bakit mas naging komportable kaming gumamit na lang ng gaway.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon