CHAPTER 8

141 8 3
                                    

Chapter 8

Phobe's POV

Inabutan ko siyang nasa sala at nakahiga at nakasilid na naman sa sleeping bag.

"Anong ginagawa mo dyan?" bungad ko sa kanya

Iminulat nya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin

"You're here" sabay ngiti. Iniangat niya ang kanya katawan para tumayo pero nauwi lang iyon sa paglagapak niya sa sahig.

Nasampal ko pa ang noo koo dahil sa ginawa niya. Agad ko naman siyang tinulungan

"May sayad ka ba? Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan ha?" sermon ko sa kanya.

Nginitian niya lang akong muli.

Iniiwas ko ang aking tingin. Mahahalata niya kasing titig na titig ako sa mukha niya.

Binuhat ko siya na paangat muli ng sofa na hinihigaan niya kanina. Pati kasi ang mga kamay niya ay nasa loob ng sleeping bag

"Huwag ka ng malikot ha. Baka malglag ka ulit" payo ko sa kanya.

"Look at me" saad nya.

Ibinaling ko ang ulo ko sa direksyon niya at nagtama ang aming mga tingin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa siya na mismo ang umiwas.

"Sabi mo 'look at me' " aniya ko

"I know. Its just that, it feels so awkward." Tugon niya. Bigla tuloy akong nalungkot. Magkaiba kami ng nararamdaman sa pagtingin sa mukha ng isa't isa.

Ngumiti ako ng bahagya.

Nakita ko ang cellphone sa gilid ng sofa niya at kinuha yon.

"Anong gagawin mo sa cellphone ko?" tanong niya. Para bang nataranta siya bigla at agad na binuksan mula sa loob ang sleeping bag niya para makalaabs siya kaagad

"Maghahanap ako ng ibang makakasama mo dito" kaswal na sagot ko

Gamit ang kanang kamay niya ay hinablot niya mula sa kamay ko at ng cellphone niya. Binawi ko rin ito kaagad. Hindi niya rin naman ito mahawakan ng maayos dahil sa tingin ko ay kumirot ang kanyang braso dahil halata iyon sa reaksyon niya.

"Bakit ba kasi may passcode pa?" reklamo ko. Marahan kong hinatak ang kamay niya para ilapat ang daliri niya sa cellphone. Agad naman itong bumukas.

Ahas...

Bear...

Eagle...

Kupal...

Tiger...

Waterlily...

Nagbabanggit ako ng mga pangalan sa contacts niya at iyan ang ilan sa mga nakita ko

"Saan ba nakatira ang mga kaibigan mo ha? Sa Zoo?" tanong ko

Hinablot niya muli sa akin ang cellphone niya

"Pake mo ba" reklamo nya "saka bakit sa kokontakin pa sila?"

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya

"Bakit kokontakin? Dahil sila ang papupuntahin ko dito" mataray kong paliwanag sa kanya

"Ayoko" pag angal niya

Ibinaba ko sa sofa na hinihigaan niya ang cellphone niya. Tumayo na ako sa kinauupuaan ko at aalis na sana

"Bakit ka aalis?" tanong niya sa akin

Tinignan ko siya.

"Dahil hindi naman dapat ako nag punta" sagot ko. Tinignan niya ako at inirapan.

100 Days with Him 《DaraGon Fanfic》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon