My Home

1.9K 47 5
                                    

Lisa's

"You are not going anywhere, Lalisa Manoban Kim."

I missed her calling me hers. It's been a week since I got discharged from the hospital but I can't still go outside. Hindi pa raw ako fully recovered. If I know natatakot lang siya, baka may makakitang chix sa akin tapos maagaw ako sa kaniya. Damn! Whipped Jennie Manoban. Pero magaling na talaga ako, as in 101%.

I never thought that this day would come. Seeing her with me again, taking care of me, waking up with her, hugging her, kissing her, exchanging I love yous. Damn! It felt great.

I back hugged her, "Baby please, I just need to see them. I promised, i'll be quick."

"Still a BIG NO, Lisa. I'll tell them that you can't come." Humarap siya sa akin at niyakap niya ako.

"Baby, 'wag nang makulit ha? I love you." Bulong niya.

She's my weakness. And yeah, that's it. Isinuko ko na ang lahat sa kaniya. Hindi ko na ipipilit ang paglabas.

"Just stay here, okay? I'll cook for you." She smiled and went to the kitchen.

"Okay, i'll stay. I love you more, Baby!" I shouted.

Isang linggo na mula noong magising ako. Hindi ko rin alam na magigising pa pala ako. When Jennie said that she was raped, I felt the sudden and extream pain, physically and emotionally. Tapos ito na, grounded ako rito sa bahay. Jennie explained everything to me, including the worst night and the truth. I can die at peace. Pero siyempre hindi pa ako puwedeng mamatay. Until now naghahanap pa rin kami ng donor. Walang nagbago sa sitwasyon ng puso ko. Basta ang alam ko lang Jennie is my cure.

Bakit nga ba ako grounded? Gusto niya raw akong ma-solo. Hahaha. Ang ibig kong sabihi'y kailangan ko raw munang magpahinga. Ito kasing sina Seulgi gusto kaagad mag-walwal. Siyempre miss ko na rin sila. At kailangan din naming mag-celebrate.

"Come,"

Fudge! Ano ba kasing come 'yon? Lol.

Lumapit ako. At niyakap ko ulit siya. Bahagyang ipinatong ang baba ko sa balikat niya, pumikit ako. This is what I wanted. This is what I needed. Jennie with me, until my last heart beat.

"I love you," bulong ko habang nakapikit.

"Patapos na 'to, hintayin mo na lang ako sa table ha? I love you more, Mrs. Kim."

Sarap sa ears.

Parang puwede na akong mamatay, pero siyempre hindi pa.

"Anong iniisip mo?"

Bumalik ako sa reyalidad.

"Gusto mo bang sa Thailand na lang tayo tumira? Or New Zealand?" tanong ko.

Kumunot siya, "Bakit? Ayaw mo na ba rito?"

"Hindi naman, marami lang masamang alaala rito."

Lumapit siya sa akin at mula sa likura'y niyakap niya ako.

"Sshhh. Tapos na ang lahat, Baby. Nagsisimula na ulit tayo. Wala ka nang dapat ipag-alala." She kissed me on my head.

"Let's eat."

Ngumiti ako. Naupo siya sa harapan ko at nagsimula na siyang sumubo.

"Marry me."

Fudge! Kung hindi ko lang mahal ang babaeng 'to.

"Ops! Sorry, baby." Dali-dali siyang tumayo at kumuha ng tissue. Lumapit siya sa akin at pinahiran ang pagkaing tumapon sa mukha ko.

Like We Used To [COMPLETED]Where stories live. Discover now