Broke

1.7K 49 5
                                    

Lisa's

Buong tapang ko siyang tinitigan. Taas-baba ang balikat niya at kalmado ang kanyang paghinga. Marahan kong sinalat ang magkabila niyang pisngi. Mandu, my mandu. Heto na naman ang pagtatraydor ng mga luha. Mabilis ko itong pinalis.

"Jen, paano mo nagawa sa 'kin 'to?"

Bahagyang sumilip ang hubad niyang katawan. Kinumutan ko siya. Hindi ako makapaniwalang totoo pala ang mga inakala kong panaginip lang. Bakit hindi ko kaagad napansin?

Bago kami magpuntang Thailand, lasing na lasing ako no'ng gabing iyon, palagi naman. Hindi ko rin alam, basta ayaw kong maaalala ko si Jen. Siguradong iiyak lang ako. Naging escape ko na pag-iinom, pagpapakasubsob sa trabaho, paglilibot, pagkuha ng mga retrato. Halos wala na akong pahinga, hindi na ako namamahinga pero walang segundo na hindi siya sumagi sa isip ko. Hanggang sa pagtulog ko nando'n siya. Pagod na pagod na akong maghintay, gustong-gusto ko nang sumuko. Pero mahal ko e, mahal na mahal. At hindi napapagod ang mga nagmamahal.

That damn hickeys!

Yes, nagduda ako noong makita kong tadtad ako ng mga hickeys sa katawan. Like seriously? Pagkatapos niya akong iwan hinding-hindi ako nambabae. Kahit gaano ako ka-wasak, kahit gaano ako ka-lasing. Sa tuwing magigising ako pakiramdam ko katabi ko siyang natulog. Kahit 'yung amoy niya naiiwan dito sa kwarto. Pero malinis siyang magtrabaho. Sa sobrang kalasingan ko tanghali na akong nagiging at wala na siya. Panaginip na lang ang naiiwan. Ang isa pang dahilan ng pagdududa ko ay ang ice cream na binili ni Rosé. Hindi ako maaaring magkamali, isa lang ang pinabili ko.

Tiningnan ko siyang mabuti. Lumapit ako, tumabi at nahiga. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi na muna ako mag-iisip.

"Wag mo na ulit akong iiwan, ha? Mahal na mahal kita." Bulong ko.

"Hmmm." Bahagya siyang kumibo.

"I missed you." Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap.

"Lisa?!" Bigla siyang bumangon.

Tumambad ang hubad niyang katawan. Umiwas ako ng tingin.

"Yah! Limario!" Bigla niyang hinablot ang kumot, mabuti na lang at nagbihis na ako kanina pagkagising ko.

"Sorry, nagising kita." Hindi pa rin ako tumitingin.

"I j-just..."

"You don't need to explain, ang mahalaga nandito ka na."

Aktong lalapit ako sa kanya nang bigla siyang umiwas.

"Don't!" Sigaw niya.

Hindi ko maintindihan. Parang diring-diri siya sa 'kin. After what happened? Seriously, Jennie?

"Isipin mong hindi 'to nangyari." Dagdag niya.

Tangina!

"Nababaliw ka na ba?!" Hindi ko napigilang hindi sumigaw.

"Oo! Nababaliw na nga siguro ako. Baliw na ako dahil hindi ko inisip na darating tayo sa puntong ganito!" Tugon niya.

"Kitang-kita mo kung gaano ako ka-miserable, Jen. Pero wala kang ginawa. Pinanuod mo lang ako habang unti-unti nilalamon ng kalungkutan. Paaano mo nakayanan 'yon?"

Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako.

Nagtama ang paningin namin. Umiiyak na rin siya.

"I'm sorry, Lisa. Alam ko, wala 'tong kapatawaran. "

"Bumalik ka lang Jen, bumalik ka lang kalilimutan ko ang lahat." Katal na ang boses ko dulot ng pag-iyak.

"I can't, Lisa."

She can't?! She fcking can't?!

"Are you perhaps playing with my emotions Jennie?! Halos mabaliw-baliw ako kaiisip sa 'yo. Ginusto ko na lang matulog para kahit doon man lang makasama kita. Not knowing na kasama pala talaga kita. Araw-araw kong pinapatay ang katawan ko sa pagtatrabaho para kahit panandalian lang mawala ka sa isip ko. Pero sa tuwing ginagawa ko 'yon mas lalo lang kitang naaalala. Walang araw na hindi kita naiisip. Buong tatlong taon pinilit kong bumangon, pinilit kong mabuhay dahil hinihintay kong balikan mo ako. Wala akong ibang inisip kundi babalik ka. Kahit maraming dahilan para isuko na kita, hindi ko ginawa. Hindi ko ginawa kasi mahal na mahal kita, Jen. Mahal na mahal kita."

Punong-puno ng sakit ang repleksiyon ng mga mata niya.

"I'm in pain, Jennie. Save me." Pagmamakaawa ko.

"Li-sa,"

"Hindi ako magtatanong, wala kang maririnig sa 'kin. Basta bumalik ka lang."

Wala na akong pakialam. Kahit lumuhod ako gagawin ko bumalik lang siya.

"Hindi na puwede, Lisa."

"You're still my wife, Jennie."

"Alam naman nating dahil lang 'yon sa family business natin, Lisa."

I'm hurt.

"Mahal kita Jennie! Oo, no'ng una nagalit ako kasi akala ko pinaglalaruan mo na naman ako pero no'ng nagsasama na tayo sa iisang bahay pakiramdam ko totoo na. Sumugal ulit ako Jen. Sumugal ulit ako kasi mahal na mahal kita. Hindi ako tumigil na mahalin ka, Jennie. At hinding-hindi ako titigil."

"Magbihis ka muna." Dagdag ko.

Tangina naman kasi. Hindi ako maka-focus sa pagsasalita habang nakikita ko ang lantad niyang leeg at balikat.

Mabilis akong bumangon at lumabas ng kuwarto. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Fck! Bakit kasi wala akong masyadong maalala, maliban sa mga moans niya. Fck! Seriously, Lisa? Sa sitwasyong 'to ganiyan pa talaga ang naiisip mo?

Can you blame me? I missed her so much.

After few minutes bumalik ako sa kuwarto. Mabuti na lang at maaga pa ngayon, wala pa si Unnie. Aayusin ko 'to bago sumikat ang araw.

"I need to go, Lisa." Bungad niya.

"You're not going anywhere, Jen."

Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Dito ka lang, 'wag mo na akong iiwan." Sa puntong niyakap ko siya, doon ko lang naramdaman ang panghihina. Siguro pinipilit ko lang magpakatatag kanina. Pero ngayon, pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko.

"Please, Nini. I can't afford to lose you. Sa susunod na iwan mo pa ako isa lang ang sigurado, i'll gave up my life."

Gumanti siya ng yakap.

"Don't you ever say or do that, Lisa. I'll follow, I swear."

Umiiyak na rin siya.

"I need to see your mandu cheeks, Nini."

Gusto kong pahiran ang mga luha niya. This is my weakness, she is my weakness.

"Mmm."

Umiling lang siya at mas humigpit pa ang pagyakap niya.

"Mahal na mahal kita, Pran..."

Mas humigpit ang yakap ko. Tatlong taon akong nangulila sa kanya. Tatlong taon kong ginustong marinig na mahal na mahal niya ako. At wala pa ring nagbago, kung paano niya bigkasin ang mga salitang iyon ay gano'n pa rin kabigat at kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Pero hindi ko kayang manatili."

(Dahil maulan, nag-update ako. Haha. Sorry. Ang lame. Tatapusin ko na ba 'to? Haha. Inip na kayo? Salamat sa pananatili. ILY!)




Like We Used To [COMPLETED]Where stories live. Discover now