Empty

1.7K 45 2
                                    

Lisa's

Fck! Sobrang sakit ng ulo ko. Bahagya kong kinusot ang namumukto kong mga mata. Hindi ito ang kwarto namin. Nasaan ako?!

"Wag ka nang magulat Limario, nandito ka pa rin sa bar."

"Jisoo Unnie?"

"Yas! Anong oras na?"

I'm so dead.

"9:00 PM Lisa. Ngayon pa lang dapat tayo naglalasing." Panunukso niya.

Bumangon ako.

"At saan ka pupunta?"

"I'm going home, Unnie."

Nahimasmasan na ako. Alam kong may naghihintay sa aking umuwi. I'm sorry, Jen. Promise, babawi ako.

"Wow! The guts! Haha. Kanina lang wala kang matatawag na bahay tapos nakatulog ka lang at paggising mo meron na?"

Napangiti ako.

Bakit ba kasi hindi ko inilaban si Jennie? Bakit mas nauna ang pagdududa ko sa kanya kaysa isiping baka may mas malalim na dahilan kung bakit niya ginawa 'yon? Nangako akong maniniwala at magtitiwala ako sa pagmamahal niya pero ako ang unang bumitaw. This is all my fault.

"Looks like our little Maknae is totally happy, eh?"

"Yah! Park Chaeyoung!"

"Yah! La-lisa!"

"I missed you, dorks!

Nag-group hug kami. Yah! Na-miss ko talaga 'to.

"Unnie, may alam ka pa bang mabibilhan ng bulaklak sa ganitong oras?"

Nagkunwari siyang nag-iisip.

"Tss. Nevermind, Chikinsoo."

Nag-ayos ako ng sarili at bumaba na ako.

Iniwan ko silang dalawa. Yie, lam na this. Char!

At katulad ng gabi-gabing senaryo, ang ingay pa rin. Malamang bar 'to e.

After 10 years nakalabas na rin ako.

Mabilis akong nagmaneho, syempre hindi ko makakalimutan ang paborito niyang milk ice cream.

Dumaan ako sa 7 eleven. I mean sa 7. It's 7.

"Lisa?"

Whoa! Who's this girl?

"Lisa it's me, Nayeon."

Anong ginagawa niya rito?

"Maaga yatang nagsara ang café?"

Nginitian ko siya. For sure nasa bahay na si Jennie.

Bigla siyang nalungkot.

"After lunch nagsara na kami. May aayusin lang daw si Jen. Nagmamadali nga siya e. Ang dami niyang dalang gamit. Biglaan yata ang pag-alis niya."

Pag-alis? Anong pag-alis?

"Anong ibig mong sabihin, Unnie?"

Naguguluhan na ako.

"She sold the café, to Kai."

"What?!"

Anong kagaguhan 'to?

"Hindi ko rin alam Lisa. Nalulungkot ako sa biglaang desisyon ni Jennie. Kanina lang umaga galit na galit siya kay Kai dahil sa biglaan nitong pagsulpot para lang bilhin ang café ni Jen. Sobrang halaga ng Leo's café na 'yon. Buong buhay niya ibinuhos niya ro'n. When she's sad, depressed, stressed. Palagi lang siyang tumatambay ro'n."

"Kai? Galit na galit siya kay Kai? Pero nakita ko sila, halos maghalikan na sila."

This fcking heart is aching again.

"Muntik na kasing madulas si Jen. Thankfully, naalalayan siya ni Kai. Kung hindi baka bumagsak ang ulo niya sa sahig."

Damn you, Lisa! Mahilig ka talagang gumawa ng worst scenarios sa isip mo. Look what you've done?

Bago siya tuluyang magpaalam may iniabot siyang maliit na box. Pinabibigay raw ni Jen.

Tiningnan ko ang box.

Hindi ako naniniwalang basta na lang siya aalis.

Mabilis kong binayaran ang ice cream at bumalik na ako sa condo.

Dali-dali akong nagpark.

"Jen! I'm here." Sigaw ko.

Kumatok ako nang ilang beses. Nananatiling tahimik.

I used my keys.

"Baby, i'm home. I bought your favourite. Let's eat."

"Baby! I love you! Go outside please. I'll eat this alone." Sigaw ko.

Wala pa ring sumasagot.

Fuck! This is not happening. This is not happening.

Napasabunot na lamang ako. Hinanap ko siya sa buong unit  pero wala akong Jen na nakita.

Naiwan na naman ba ako?

'Yung mga gamit niya wala na. Malinis na ang buong kwarto. Napaupo na lang ako habang nanghihina. At hindi ko na napigilang hindi umiyak.

Ilang beses kong sinubukang tawagan siya pero palaging unattended.

Then I remembered the box.

Binuksan ko ito, napangiti ako nang mapakla. Isang cute na customized key na may mukha naming dalawa at may naka-engrave na "My Pran."

Susi ba 'to saan?

Tiningnan ko ang likod na bahagi ng susi, "Leo's Café."

Fck! Bakit hindi ko naisip 'yon?

Kinuha ko ang susi ko at dumeretso na ako sa café.

Naka-lock. Pero syempre alam ko ang passcode.

0923

At bumukas ito.

Binuhay ko ang mga ilaw.

Nasaan ba kasi 'yon? Naghahanap ako ng pinto. Alam ko nandito lang 'yon e.

Patuloy pa rin ako sa pagtitingin habang sinasalat ng mga daliri ko ang bawat sulok ng dingding. Then I found it. May nakaukit na mukha ni Leo. Sinubukan kong gamitin ang susing iniwan niya, at hindi naman ako nabigo.

Kaagad bumukas ang ilaw sa kwarto pagkapasok ko. Nanghina ang mga tuhod ko sa nakita ko. Para akong nauupos na sigarilyo.

Bakit mo 'to ginawa, Jennie?

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hinayaan ko na silang kumawala. Hinayaan kong malunod ako sa sarili kong luha. I deserved this kind of pain.

Biglang tumunog ang orasan, eksaktong 12:00 midnight.

"Mahal na mahal kita, Pran. Happy 23rd. Marry me again, please."

Fck your life Lisa. Go to hell.

Like We Used To [COMPLETED]Where stories live. Discover now