Once Upon A Time, You Were Mine

3.5K 63 1
                                    

(Yow yow yow! JenLisa. At dahil 23 ngayon, ako na ang hihinga para sa kanila. HAHAHA. Happy 23rd, para 'to sa mga FiloBLINKs at JenLisa Shippers. Gagawin ko 'tong purong Filipino, para damang-dama. At ang hirap din mag-english ha. Mali-mali ang grammar ko. Haha.)

Lisa's

*Four years ago* (Purong Filipino raw oh. Haha.)

"Baby, paano kapag nalaman na nina Mommy ang tungkol sa atin?"

Nandito kami sa roof top habang nakatitig sa buwan. Pansamantala kaming naglatag ng kumot para makahiga. At ang paborito niyang puwesto? Syempre sa bisig ko, sa mga yakap ko, sa leeg ko, minsan I mean madalas idinidiit niya ang taenga niya sa dibdib ko. Gustong-gusto niya raw ang tunog ng pagpintig nito. So gustong-gusto niyang naririnig ang pangalan niya?

Hindi ko alam ang isasagot. Basta isa lang ang sigurado. Ilalaban ko siya hanggang dulo.

"Matagal kitang pinaghirapan bago nakuha, at gano'n din ang gagawin ko sa magulang mo. Hindi ako mapapagod na suyuin sila hanggang sa tuluyan ka nang maging akin." Nginitian ko siya.

"Mahal na mahal kita, Manobal."

Aissh! Kumunot ako.

"Manoban, baby. Manoban. Ma-no-ban."

"Aegyo! Ang cute naman ng baby ko oh. Pakagat nga."

Nang-aasar.

"Baliw!" Tugon ko.

"Sa 'yo."

Hindi ako kinikilig. Hindi talaga. Pinipigil ko ang pagngiti.

"Sige na, ngiti na. 'Wag mo nang pigilan pa."

At tuluyan na akong napangiti.

"Ang keso mo."

"Gustong-gusto mo naman." At tumawa siya.

Aishh! Nang-aasar talaga. Pasalamat 'to mahal ko 'to.

"I love you, My Nini." Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you more, My Lili."

Legal na kami sa family ko. Wala naman daw kaso sa kanila. Ang mahalaga ay kung saan ako masaya, at 'yon ay sa piling ni Jennie Kim. Tanggap na rin ng mga friends namin. Isa na lang ang problema. Ang family niya. We both know na hindi nila kami kaagad matatanggap. Pareho kaming straight hanggang sa nakilala namin ang isa't isa. Gender bender at its finest. Lol.

Mahal ko siya, mahal na mahal. After graduation plano kong ituloy ang photography career ko at siya naman ay ang pagmomodelo. Sa US namin planong tumira. Ang iniisip ko lang, paano ang family business ni Jennie. For sure siya ang maghahandle ng lahat. Nag-iisang anak kasi siya.

"Anong iniisip mo?"

Sumiksik siya sa leeg ko.

"Wala naman."

"I love you."

"Alam ko." Tugon ko.

At bigla siyang kumalas sa pagkakayakap.

"Alam ko?! Lisa! Anong klaseng tugon 'yon?!"

Patay na. Nalintikan na. Haha. Galit na ambebe.

"Nagbibiro lang, mahal na mahal na mahal na mahal kita, Jendeukie Manoban."

Got her!

"Ngiti na, pinipigil pa e." Pang-aasar ko.

Like We Used To [COMPLETED]Where stories live. Discover now