Chapter Forty-seven

63.8K 1.3K 32
                                    

Bullet's POV

Naabutan ko si Jean na parang inip na sa paghihintay sa akin sa loob ng opisina ko. Hindi ko alam kung ano ang kailangan pa niya sa akin pero haharapin ko na rin siya once and for all dahil gusto ko ng matapos ang kung anuman na inaasahan niyang puwedeng mamagitan sa amin.

Agad siyang tumayo at yumakap sa akin ng makita ako.

"Thank god you're here." There was a sign of relief on her face when she saw me.

"What do you need, Jean?"

Hinawakan niya ang kamay ko at inaya niya akong maupo sa couch na naroon sa opisina ko.

"I messed up. I did something wrong and I don't know how I can make it right," namumuo ang luha sa mata ni Jean habang sinasabi iyon.

Napakunot ang noo ko.

"What are you talking about?" Taka ko. I can feel that her hands are shaking. She is really afraid of something.

"I just want help those women who cannot bear a child. I took an oath and I fulfilled it. I am a doctor Bullet and I cannot kill a child. I never did. The truth, I am helping those mothers who cannot take care of their children anymore. I am giving those kids a better life," napabuga siya ng hangin ng sabihin iyon.

"What? I don't understand what you're saying."

Binitiwan ni Jean ang kamay ko at naihilamos iyon sa mukha niya. Pinahid ang mga luha niya.

"I wanted to help Charlotte so Carlo won't leave her. I helped her to pretend that she is pregnant. Even his mom knew about this. But Carlo found out and Charlotte is threatening to sue if I don't help her. Gusto niyang tulungan ko siyang balikan ng asawa niya. But this is beyond my control already. My profession is on the line," napapailing na sabi niya.

"Ano? What did you do, Jean?"

Tumingin siya ng parang nahihiya sa akin.

"I was just trying to help her. I did that so many times and I helped so many couples. Hindi ko na kasalanan kung hindi talaga niya makuha ang asawa niya kahit anong gawin niya. Hindi ko na kasalanan kung iniwan na siya ng asawa niya tuluyan."

Saglit akong natigilan sa sinabi ni Jean. Alam kaya ni Amy ito?

Napatingin ako kay Jean ang hawakan niya ang mga kamay ko at dalhin sa mukha niya.

"Please help me. I want you listen to me and understand why I did that. Kilala mo ako, Bullet. Hindi ako masamang tao. I have known you for more than ten years and you know me," punong-puno ng pagmamakaawa ang boses niya.

Napahinga ako ng malalim at tumayo ako. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan sa sitwasyon niya ngayon. Naupo ako sa swivel chair ko at marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko. Akala ko okay na kami ni Amy. Bakit naman sumasabay pa itong si Jean sa amin?

Nagulat ako ng biglang naupo si Jean sa kandungan ko at inilapit ang mukha sa mukha ko.

"Bullet, I know you can feel it too. Call me desperate, call me anything you want but I know, I can feel it you feel it too." Kinuha ni Jean ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya. "I like you. I love you. I know napaka-awkward ng sitwasyon na 'to but kailan ko pa kailangang sabihin? Bakit pa natin kailangang pagtagalin?"

"J-Jean. A-ano ba ang ginagawa mo?" Ano ba ang nangyayari sa kanya? Is she out of her mind? Baka may makakita sa amin kaya pilit ko siyang pinapatayo pero lalong dumikit sa akin si Jean.

"We try. Wala namang mawawala 'di ba? You've known me for so many years. I loved Hunter but I love you more."

And before I can say anything, I felt her lips kissing mine. Nabigla ako sa ginawa ni Jean kaya hindi agad ako nakagalaw.

Nagulat ako ng biglang parang may bumagsak na kung ano sa mesa ko kaya pareho kaming napatingin doon ni Jean. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatayo doon si Amy kaya mabilis kong itinulak paalis sa kandungan ko si Jean at tumayo.

"Naiwan mo ang phone mo sa bahay." Amy's voice is cold as ice. There is no emotion in her face. She is staring at me blankly.

"A-Amy, let me explain. It's not what you-"

"Thank you. Can you go now?" Sabat ni Jean at tinaasan ng kilay si Amy.

Nakita kong nagtagis ang bagang ni Amy at masamang tumingin kay Jean tapos ay sa akin at ngumiti ng mapakla.

"Pagkatapos mong sirain ang buhay ni Carlo, si Bullet naman? Pareho talaga kayo ni Charlotte. Pareho kayong malalandi na walang ginawa kundi manira ng buhay ng iba." Matigas na sabi ni Amy.

"Wow. And look who's talking. Nakadikit ka lang sa pamilya Acosta feeling mo naman isa ka na talaga sa kanila. Remember, you just pretended to be Hunter's wife. And we all know that I am the real and original woman in Hunter's life. So stop being so desperate to be a part their family"

Napa-hmm lang si Amy. Napalunok ako habang nakatingin ako sa kanya. Gusto ko na siyang awatin pero sa nakikita kong itsura ni Amy, tingin ko ay para siyang tigre na kayang manlapa ng kahit na sino.

"Pero iniwan ka 'di ba? Dahil niloko mo siya. Kaya anong ginagawa mo ngayon? Ipinipilit mo ang sarili mo sa kapatid naman. Now tell me, who is the desperate one?" Sarcastic na sabi ni Amy.

Parang nalulon ni Jean ang dila niya sa sinabi ni Amy pero pinilit pa rin niyang maging matatag sa harap ko.

"Bullet, I didn't cheat on your brother. Alam mong hindi ko iyon magagawa kay Hunter. Pero alam kong maiintindihan niya kung ikaw na ang mahal ko ngayon." Lumapit sa akin si Jean at hinawakan ang mukha ko na lalong ikinasama ng mukha ni Amy. Mabilis akong umiwas kay Jean.

Napailing-iling si Amy at nangingilid ang luhang tumingin sa akin.

"Ayoko na ng eskandalo. Pagod na ako. Magmula pa kay Carlo may kaagaw na ako. Hanggang sa iyo ba naman? Ayoko na. Pagod na akong maghabol. Pagod na akong makipag-away para sa pagmamahal na para sa akin. Kung gusto mo talaga ako, ayusin mo muna ito. Balikan mo na lang ako kung sigurado ka na."

Pagkatapos sabihin iyon ay tuluyan ng lumabas ng opisina ko si Amy.

"Amy!" Mabilis ko siyang hinabol pero pinigilan din ako ni Jean.

"Will you stop chasing her? Hindi kayo bagay. You know what kind of a woman she is. Nabuntis ng kung sino tapos hahabulin mo pa?"

Inis kong inalis ang pagkakahawak ni Jean sa braso ko.

"At sino ang bagay sa akin? Ikaw, Jean?" Napapailing na natawa ako ng nakakaloko. "After my brother, ako naman? Why? Just to secure your place in my family so you can be an Acosta legally? I didn't say anything, but I knew why Hunter left. It was all because of you. It was a puzzle piece back then. Hunter loved you and yet you cheated on him. My brother doesn't deserve that. He helped you to achieve your dreams and yet what did you do? How many hospital consultants, how many doctors did you cheat on just to reach the top? I wanted to keep this to myself just to save you the humiliation, Jean. Tama ng isang pagkakamali mo lang ang alam ni mama. But not this time. You humiliate the woman that I love, and I cannot allow that."

Napaawang ang labi ni Jean pero walang tinig na lumabas doon. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.

"If you need a lawyer, I can help you. I will help you for the sake of our friendship. But please, stay away from us because you will never be an Acosta. There is only one Mrs. Acosta besides my mom and that is Amy."

Hindi ko na pinakinggan ang kung may sasabihin man si Jean. Mabilis akong sumakay sa elevator at sinundan ko si Amy. Shit. Kung kailan maayos na kami ay saka naman sumabay ang mga ganitong pagkakataon.

Halos tumakbo ako pagdating ko sa ground floor. Tinawagan ko ang number ni Amy pero hindi niya iyon sinasagot.

"Shit. Pick up please." Parang maiiyak na ako dahil puro ring lang ang naririnig ko.

Muli kong idinayal ang number niya pero this time ay nakapatay na ang telepono.

"Fuck!" Malakas kong ibinato ang telepono ko sa semento. Wala akong pakielam kung pinagtitinginan ako ng mga empleyado ko.

Naisuklay ko ang mga kamay ko sa ulo at parang nanghihina na tumingin sa labas ng building. Saan ko na naman hahanapin si Amy? Baka maisipan na naman niyang lumayo ulit.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now