Chapter Thirty

59.1K 1.4K 206
                                    

Guys, pasensiya na kung may mga typos, missing words and wrong grammars ha? Raw copy talaga ito. Ini-edit ko naman from time to time. And, sino gustong maging Haciendera dito? hahaha kung gusto 'nyo, join lang kayo sa hacienda namin. Name ng Fb group is HM's Reading Nook. Masaya doon. May interaction sa mga kapwa readers ng stories ko.

'yun lang. Enjoy this UD.

--------------------

Amy's POV

Alas diyes na ng gabi.

Kanina pa ako paikot-ikot lang dito sa kama ko pero hindi ako makakuha ng maayos na puwesto. Naninibago kasi ako. Ang laki ng kuwarto tapos meron pang mga lumang aparador na malalaki. Ang kama, ang laki din. Nalaman kong dating kuwarto pala ito ni Mrs. Acosta at ng asawa niya kaya ganito ang itsura. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako dito. Feeling ko kasi ay may lalabas na mumu sa aparador na nasa gilid ko.

Inis kong kinuha ang unan at itinabon sa mukha ko. Pilit na ipinikit ang mga mata baka makakuha ng matinong tulog. Pero wala pa rin. Gising na gising pa rin ang diwa ko at pilit lang na dumidilat ang mata ko.

Napabuga ako ng hangin at ibinato ang unan sa paanan ko. Nakatitig lang ako sa kisame at nakikiramdam. Paano ba ako makakatulog nito?

Aminin mo kasi, Amelia. Apektado ka sa sinabi ni Bullet kanina.

Napakamot ako ng ulo. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa naisip ko. Ano ba ang sinabi ni Bullet? Wala naman. Sinabi lang niya na tulad ng nanay niya, masaya siya na dumating kami ng anak ko sa pamilya nila. Sinasabi niya lang iyon kasi alam ko naman ayaw lang niyang masaktan ang nanay niya. Ano nga ba ang dahilan niya bakit hindi niya sinasabi kay Mrs. Acosta ang totoo kong pagkatao? Alam ko naman na hindi dahil sa gusto niya akong tulungan. Ang totoong dahilan, ayaw lang niyang masaktan ang nanay niya dahil nga naman namatayan ng anak. Kasi kahit ako, sigurado akong dadamdamin masyado ni Mrs. Acosta kapag nalaman niyang nagsinungaling ako at hindi talaga anak ni Hunter ang ipinagbubuntis ko.

Worse, puwede pa niya akong ipakulong dahil sa panloloko ko.

Nalungkot naman ako ng maisip ko iyon. Totoo naman na darating ang panahon na kailangan ko ng magtapat kay Mrs. Acosta. Kailangan kong harapin ang consequences ng mga ginawa ko. Alam kong mali ito pero siguro, tulad ni Bullet maiintindihan din niya kung bakit ko nagawa. Sana mapatawad niya ako kahit para na lang sa anak ko.

Pero naalala kong parang sinabi ni Bullet na willing siyang alagaan kami ng anak ko? Anong ibig sabihin niya noon? Siguro mali lang ang pagkakaintindi ko. Hindi ko dapat bigyan ng malisya ang mga sinasabi niya kahit ang mga ginagawa niya. Mabait lang si Bullet at tinutulungan lang niya kami ng anak ko.

Naisip ko ang tinanong sa akin ni Bullet. What if magkita daw kami ni Carlo. Babalik daw ba ako?

Hindi na siguro. Tama na 'yung mga sakit na ibinigay niya sa akin. Na-realize ko na mali ang mahalin ang katulad niya. Ipina-realize sa akin ni Carlo na ang isang mayamang tulad niya ay hindi talaga bagay sa mahirap na katulad ko.

Sino pa ba ang magkakagusto sa akin? Itong itsura ko na mukhang butete o nakakain ng pakwan? Isang babaeng nabuntis ng walang asawa? Wala ng lalaki ang magsi-seryoso sa akin. Kaya erase na talaga sa utak ko ang mga lalaking iyan. Pagtuunan ko na lang ng pansin ang anak ko at kung paano kami pagkatapos naming tumira dito sa mga Acosta.

Naramdaman kong kumulo ang tiyan ko.

"Gutom ka na naman? Grabe ka naman. Lolobo naman ako ng bongga dahil sa 'yo." Sabi ko sa tiyan ko.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now