Chapter Twenty-Four

57.6K 1.3K 210
                                    

Charlotte's POV

My mother in law is so persistent that I need to do this scheme if I wanted to save my marriage with Carlo. And even if I am not so sure how am I going to pull this stunt, I am going to give it a shot so Carlo won't leave me.

"We better be careful about this, Charlotte. Alam mo naman ang anak ko. Masyadong magaling ang isang iyon. He would know if you are faking this. But I made sure that this doctor is going to help us. Hindi birong halaga ang ibinayad ko sa kanya para lang pumayag siyang gawin ito."

Mrs. Santos is fixing what is inside her bag. Tumingin ako sa paligid ng clinic. Maayos naman ang at maaliwalas ang loob pero pakiramdam ko para akong sinasakal dito.

Tanggap ko na, na hindi na talaga ako mabibiyayaan ng anak. I had a life threatening tumor that grew inside my uterus when I was in my teens. The treatment was so aggressive that it affected my health. The doctors decided to remove the tumor together with my uterus so it won't affect the others parts of my reproductive system.

I was so scared. I was disappointed. I was depressed just by the thought that I won't be experiencing getting pregnant and giving birth to a child of my own. But as they always say, life goes on and my parents made sure that even if I cannot bear a child, I can still get married and be married with Carlo.

Carlo Santos. He is the only one that I loved ever since we were small. I thought he also liked me kasi caring siya. Mabait. Maasikaso siya every time na may family gathering between our families. But when he found out about the arrangement of our wedding, bigla siyang nagbago. Nagalit siya sa akin. Nagalit siya sa pamilya niya and he was asking to call off the wedding. Iyon pala kasi meron siyang ibang gusto.

When I saw that Amy, I asked myself kung anong nakita ni Carlo sa kanya. She was so plain, she was a nobody and she came from a poor family. I hate her and I hate her more when I learned that she is carrying Carlo's baby. Ang kaisa-isang pangarap na gusto kong ibigay kay Carlo na hindi ko magagawa tapos siya, maibibigay niya.

Sa totoo lang, I felt relieved when I learned that she died. I don't feel any remorse at all. Mabuti nga at nawala na siya pati na ang anak niya para wala na silang maghahabol kay Carlo. Alam ko naman na matatapos din ang kagaguhan ng asawa kong iyon sa paghahanap sa isang babaeng patay na. Alam kong darating ang panahon na magbabago siya at magsasama kami ng maayos.

"Mom, I tried to show to Carlo the ultrasound report but he didn't pay any attention to it. Paano tayo makakasiguro na maniniwala siyang buntis ako?" Nag-aalala talaga ako sa plano na ito ng biyenan ko. Mabuti na nga lang at kahit ayaw sa akin ni Carlo ay kasundo ko naman ang nanay niya at gagawin lahat ni Mrs. Santos ang paraan para maging maayos ang pagsasama naming ng anak niya.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa anak kong iyon. Patay na nga ang Amelia na iyon, pinipilit pa rin niyang hanapin. We need to divert his attention to your pregnancy. Alam ko naman na kaya siya hoping na buhay ang babaeng iyon dahil sa anak nila. Carlo always wanted to be a father," umirap pa si Mrs. Santos ng sabihin iyon.

Parang gusto kong maiyak sa sinabi niya. Carlo always wanted to be a father and yet hindi ko iyon maibibigay sa kanya.

"This doctor is going to help us. I am sure kapag may doctor na, na humarap kay Carlo at i-explain ang possibility ng pagbubuntis mo, siguradong maniniwala na siya."

"Pero once lang po may nangyari sa amin. Kailangan pa niyang malasing para lang tabihan niya ako," nangingilid na ang luha ko pero pilit kong pinipigil na mapaiyak.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum