Chapter Thirty-Five

56.7K 1.3K 175
                                    

Amy's POV

            Walang patid ang pagtulo ng luha ko. Wala ring patid ang hilab ng tiyan ko. Napakasakit. Pakiramdam ko ay magpa-pass out na ako sa sakit. Ang daming dugo.  Nakikita ko na umaagos sa mga binti ko. Nagkakagulo ang tao sa loob ng anong kuwarto ba ito?

            "Blood pressure is going up. 150 over 100. No heartbeat for the baby."

            Hindi ko alam kung sino ang nagsalita noon pero naintindihan ko ang sinasabi niya.

No heartbeat for the baby.

"Find it again." May pagmamadali sa boses ng isang lalaking naka-scrub suit. Mabilis akong hinubaran ng damit at pinalitan ng hospital gown.

"Misis, you need to calm down. Your blood pressure is going up," sabi sa akin ng doctor. "Get the doppler ultrasound. Check the heartbeat again." Baling niya sa mga kasama niya.

"D-dok, ang anak ko. Ang anak ko," hindi ko na masabi ang gusto kong sabihin kasi iyak lang talaga ako ng iyak.

Wala akong sagot na naririnig mula sa kanila. Panay lang ang check nila sa tiyan ko. Hinahanap ang heartbeat ng baby ko. Pero ang tagal-tagal na. Walang tunog kaming naririnig. Wala din akong maramdamang galaw mula sa tiyan ko.

Ang totoo, wala na akong buhay na maramdaman mula sa sinapupunan ko.

Paikot-ikot pa rin sila sa loob. Ginagawa ang lahat ng magagawa nila para mahanap ang heartbeat ng bata. Pero wala talaga. Wala na talaga.

Kahit nahihilo na ako, nakikita ko pa rin silang nagbubulungan. Tumitingin sila sa akin na parang ayaw nilang marinig ang pinag-uusapan nila. Maya-maya ay nakita kong lumayo ang isang doctor na babae at lumapit sa akin. Tinanggal niya ang mask na suot at humarap sa akin.

"Mrs. Acosta," napahinga siya ng malalim at napapailing habang nakaharap sa akin. "I don't know how am I going to tell this to you. We did everything we could to save the baby but-" hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin kaya lalo akong napaiyak. Alam ko na ang sasabihin niya kaya umiiling ako.

"The baby was deprived of oxygen when the placenta detached from your uterine wall. The baby didn't survive."

Ang lakas ng sigaw ko. Ilang nurse at doctor din ang umalalay sa akin dahil talagang nagwawala ako. Hindi puwede ito. Hindi puwedeng mawala ang anak ko.

"Do you want me to call someone?" Tanong pa ng doctor sa akin.

Hindi ako makasagot. Iyak lang ako ng iyak. Wala na ang anak ko. Wala na ang nag-iisang magiging kakampi ko sa mundo.

"You still need to give birth of the baby. It is your choice if you want do it via ceasarian or normal delivery. But we need to do it immediately so you won't get any infection." Paliwanag pa ng doctor.

Grabe sila. Parang normal na normal lang sa kanila ang mga sinasabi nila sa akin. Parang sanay na sanay na silang sabihin sa pasyente nila na wala na ang anak mo, patay na. Ganoon lang kasimple. Pero hindi ko matanggap 'to. Walang kasalanan ang anak ko para siya ang magsakripisyo para sa mga kasalanan ko.

"Mrs. Acosta, who do you want us to call?" Ulit ng doctor sa akin.

Pinahid ko ang mga luha ko. Kahit naman anong gawin ko, kailangan kong tanggapin ito kahit masakit.

"Si Bullet Acosta. Siya ang gusto kong kasama." Humihikbing sagot ko.

Napakaraming impormasyon ang ini-explain sa akin ng mga doctor na naroon. Mga medical terms na hindi ko naman naiintindihan. Ang hirap i-process lahat kasi parang hindi ko pa makaya na ilalabas ko sa mundo ang isang patay na bata. Ilang buwan kong inalagaan sa sinapupunan ko ang anak ko, lahat tiniis ko para sa kanya pero dahil sa isang pangyayaring walang kuwenta, kailangan niyang mawala.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now