Chapter Ten

60.8K 1.3K 67
                                    

PS. This is raw copy. Expect some typos and grammatical errors. I'll edit it later.


Amy's POV

            Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Bullet habang chini-check-up ako ni Dr. Dela Cruz.  Maraming kuwento ang matandang doktor tungkol sa kabataan ng magkapatid.  Pilyo daw si Bullet.  Madalas daw itong mapagalitan ng mga magulang dahil mahilig magbiro sa kanila at sa mga tauhan.  Mahilig mag-prank.  Saglit kong sinulyapan si Bullet na tahimik lang na nakatayo sa labas ng clinic at nagmamasid sa paligid.  Pilyo?  Parang wala naman sa itsura niya.  Iilang beses ko pa lang siyang nakikitang ngumiti ng totoo.  Madalas nakakunot ang noo niya at laging pailalim kung tumingin sa akin.  Alam kong ayaw niya sa presensiya ko.

            "Hintayin lang natin na dumating si Dra. Baltazar.  Nakilala mo na ba siya?" Dama ko ang pagkagiliw sa akin ng doktor.

            Umiling ako.  "Ngayon pa lang po ako nakapunta dito sa bayan ni Hunter." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

            "Magugustuhan mo dito, iha.  Tahimik.  Malinis.  Maaliwalas ang paligid. Gustong-gusto ni Hunter dito noong mga bata pa sila pero mas gusto ng papa nila na sa Maynila sila mag-aral kaya doon na sila nagbinata.  'Yang si Bullet?  Nako, madalas kong pasyente 'yan noon dito.  Laging may bukol.  Laging may gasgas.  Minsan, dinala dito at dislocated ang balikat. Umakyat sa puno ayun, nahulog." Naiiling na natatawa ang doktor.

            "Talaga ho?  Parang wala naman sa itsura ni Bullet na pilyo siya.  Laging simangot ang mukha niyan," sabi ko.

            "Hindi siya ganyan dati.  He was the life of the party.  Si Hunter pa nga ang seryoso.  Nagbago lang siya ng may mangyaring aksidente sa kanya.  Mahilig kasing magbiro 'yang si Bullet.  Mahilig manggulat, mahilig mag-prank.  Isang araw, nagsuot siya ng costume na parang halimaw, hindi ko rin maintindihan.  Basta ng dinala siya sa akin dito, punong-puno ng dugo ang costume na suot niya." Tumayo si Dr. Dela Cruz at inayos ang BP apparatus malapit sa akin.  Sinenyasan niyang akong ibigay ang braso ko sa kanya para mailagay niya ang BP cuff.

            "Dugo?  Ano pong nangyari?" Na-curious ako sa kinukuwento niya.

            "Hindi ba naikuwento ni Hunter sa iyo?" Balik-tanong niya sa akin at mabilis akong umiling.

            "Aksidente niyang nabaril si Bullet.  Gabi na kasi noon.  Ang plano ni Bullet ay i-prank ang kapatid niya and he pretended to be a one big animal or monster I don't know.  You know kids and their stupidity.  They were in their teens.  Nag-aaral ng humawak ng baril si Hunter and when he saw a big creature inside his room, he didn't hesitate to shoot.  Only to find out that he shot his brother."  Panay-panay ang pisil ni Dr. Dela Cruz sa bulb rubber ng bp app para makuha ang blood pressure ko.

            Hala.  May ganoong eksena sa kanila?  Nakakagulat talaga 'tong pamilya na 'to.

            "Good thing the bullet lodged on the pendant of Bullet's necklace kaya hindi naging fatal.  The other bullet hit his rib.  Kaya napangalanan ng Bullet 'yang batang 'yan at si Hunter naging Hunter," natawa na si Dr. Dela Cruz.  "Kalolokong mga bata."

            Napatingin ako sa gawin ni Bullet at nagchi-check siya ngayon ng telepono niya.  Itinataas pa niya sa ere iyon at parang naghahanap ng signal.

            "Mahirap po ba ang cellphone signal dito?" Tanong ko.

            "Mahirap ang cellphone signal at internet connection dito.  Kung gusto mong mag-internet, pupunta ka pa sa kabilang baryo.  Sa totoo lang kayang-kaya naman ng pamilya nila Bullet magpatayo ng cell site malapit sa lugar nila pero mas ginusto ni Frances na huwag na.  Maingay na daw sa Maynila.  Magulo at nakakarindi.  Kapag nandito daw sila ng pamilya niya, matiwasay sila.  Malayo sa maingay na siyudad.  Malayo sa mga social media."

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now