Chapter Two

90.8K 2K 181
                                    

Chapter Two

Amy's POV

Hindi na ako makapagsalita dahil walang tigil sa kakaiyak ang may-edad na babae kuwarto.  She keeps on looking at my face tapos hahaplusin niya tapos iiyak na naman siya.  Sino ba ang Hunter na sinasabi niya? 

"M-mam, I think you got the wrong person.  Wala ho akong kilalang-"

"The doctors told me that this is possible that you might forget the accident.  Okay lang, Aria.  Magpahinga ka lang at magpagaling para sa apo ko," putol niya sa sinasabi ko.

"Hindi nga ako si Aria.  My name is - "

"How do you feel, Mrs. Acosta?"

Pareho kaming napatingin sa pinto ng matanda at pumasok doon ang isang doktor kasunod ang isang nurse.

"Hindi nga ako si Mrs. Acosta!  Ano ba ang sinasabi 'nyo!" Hindi ko na mapigil ang inis ko.  Bakit ba nila ipinipilit na ako ang babaeng iyon?

Nag-aalalang tumingin ang matanda sa doctor at kalmadong-kalmado lang itong nakatingin sa akin.  Parang expected na niya ang reaksyon ko.

"Don't worry Mrs. Acosta, that is really normal. She hit her head hard and temporary loss of memory is really possible." Malumanay na pahayag ng doktor habang kausap ang matandang babae.

"What?  Wala akong amnesia! Sinasabi ko nagkakamali kayo.  Hindi ako ang Mrs. Acosta na sinasabi 'nyo.  Hindi ako!" Inis kong tinanggal ang mga nakakabit na suwero sa braso at nagugulat na napatingin sa akin ang matanda.  Magwawala talaga ako.  Baka kaya nila ginagawa ito ay para makuha ang anak ko.  Baka kagagawan ito ng nanay ni Carlo.

Nakita kong sinenyasan ng doktor ang kasamang nurse at mabilis itong lumapit sa akin hawak ang isang syringe.

"Ano 'yan?  No!  Hindi!  Aalis ako dito!  Palabasin 'nyo ako dito!" Nagwawala talaga ako.  Naramdaman ko ng itusok ng nurse ang syringe sa braso ko.

"My son is dead and now his wife doesn't remember anything." Narinig kong sabi ng umiiyak na matanda.

Gusto kong magsalita at mag-protesta sa sinasabi niya pero para na akong inaantok.  Parang bumagal ang lahat tapos nag-uulap ang paningin ko.

Sa nanlalabo kong paningin ay nakita kong bumukas ang pinto ng kuwarto at isang bulto ng lalaki ang pumasok doon.

————->>>>>

Bullet's POV

Naabutan ko ang nanay ko na umiiyak sa isang sulok habang nakatingin sa natutulog na babae sa hospital bed.  Agad akong lumapit sa kanya at inalam kung anong nangyayari.

"'Ma, everything alright?" I could see that my mother was really worried.

Umiling siya sa akin.  "Hindi ko matanggap na wala na ang kapatid mo pero lalong hindi ko matanggap na ganito pa ang nangyari sa asawa niya." Muli siyang umiyak at yumakap sa akin.

Napatiim-bagang ako at hindi kumibo. 

"'Ma, I told you we are not yet sure na siya ang asawa ni Hunter."  I've been telling this to my mom since the beginning of this situation.  Walang may nakakakilala sa itsura ng asawa ng kapatid ko. 

"Hindi pa ba tayo maniniwala?  Paanong nangyari na suot niya ang kuwintas ng kapatid mo?  You know that necklace is a family heirloom.  Alam ni Hunter na tradisyon na iyong ibigay sa babaeng magiging asawa niya.  Nararamdaman ko na siya ang minahal ni Hunter.  Nagsisisi ako at hindi ko man lang nayakap ang anak ko.  Ayokong may mangyaring masama sa kanila at ng apo ko," umiiyak na sabi niya.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon