Chapter Fourteen

53.4K 1.3K 29
                                    

Amy's POV

            Three days ng hindi umuuwi dito si Bullet at ipinagpapasalamat ko iyon.  Parang tatlong araw akong nakakahinga ng maluwag dahil alam kong walang mga mata na nakasunod sa akin.  Walang naghihintay na magkamali ako ng mga sagot sa mga tanong tungkol kay Hunter.  Three days na akong malaya na nakaka-ikot dito sa loob ng bahay. Malaya akong nakakapagluto, malaya akong nakakapaglinis ng bahay kahit na lagi akong sinasaway ni Mrs. Acosta.  Gusto ko naman kasi na gumagalaw ako.  Hindi ako sanay ng nag-uutos dahil kaming dalawa ni Liv ay sinanay ng nanay namin na gumawa ng mga gawaing bahay.

            Ang ganda-ganda lagi ng aura ni Mrs. Acosta.  Sa tuwing makikita niya ako ay lagi siyang nakangiti sa akin.  Parang hindi ko nakikita sa mukha niya at sa mga mata niya na apektado pa siya sa pagkamatay ni Hunter.  Madalas kapag nagkukuwentuhan kaming dalawa ay ikinukuwento niya sa akin ang tungkol sa kabataan ng kanyang mga anak.  Base sa kuwento ni Mrs. Acosta, talagang si Bullet daw ang maloko at talagang mahilig gumawa ng kalokohan.  Pero ayokong paniwalaan iyon dahil wala naman talaga sa karakter ni Bullet ang pagiging palabiro.  Ni hindi ko nga nakita na ngumiti ng sincere ang isang iyon o kaya ay tumawa man lang.

            Isa-isa kong inaayos ang mga regalo na ibinigay sa akin noong nakaraang baby shower ko.  Ang daming regalo at hindi ko alam kung ano ang gagawin dito.  May nagbigay ng feeding bottles, diaper, newborn clothes and shoes, mga baby essentials, si Mrs. Acosta ay nag-regalo ng mamahaling stroller at crib na nakikita ko lang sa baby magazines.  Kahapon lang dumating ang mga iyon na inorder pa niya sa America.  Alam ko ang presyo ng mga iyon dahil nakikita ko sa baby magazines.  Lalo akong nakaramdam ng guilt feeling.  Nakakahiya.  Ibang tao pa ang gumagastos para sa anak ko.

            Gaga ka kasi.  Binibigyan ka na ng isang milyon ng nanay ni Carlo, hindi mo pa tinanggap.

            Napasimangot ako ng maalala ko ang ginawang iyon ng nanay ni Carlo at ni Charlotte.  Wala sa loob na hinimas ko ang tiyan ko.  Hindi isang milyon lang ang presyo ng pagkatao ko at ng anak ko.  Kahit bayaran nila ako ng bilyon, hindi nila makukuha ang anak ko sa akin.

            Nakaramdama ako ng habag para sa sarili ko lalo na sa anak ko.  Ganoon kami trinato ng pamilya ni Carlo at hindi man lang niya ako ipinaglaban.  Binuntis lang niya ako at iniwan.  Napakagaga ko at madali akong naniwala sa mga pangako niya.  Akala ko katulad din siya ni Travis na kaya akong ipaglaban sa mayaman niyang pamilya.  Pero nagkamali ako.  Bahag ang buntot ni Carlo at hindi niya kayang talikuran ang marangyang buhay para sa akin.

            Kaya tama lang ang ginawa kong lumayo.  Aamin din ako kay Mrs. Acosta at hihingi ng tawad pero hihintayin ko lang na manganak ako.  Gusto kong masiguro na malusog ang anak ko kapag nailabas ko na at saka kami lalayo.

            "Aria?  Iha, gising ka ba?" Boses ni Mrs. Acosta ang narinig ko kasabay ng pagkatok sa pinto ng kuwarto.

            Mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto tapos ay binuksan.  Napakunot ang noo ko dahil nakita kong parang nagkukulay ng buhok si Mrs. Acosta.  Nagsi-self color ng hair niya.  Gusto kong matawa kasi hindi pantay-pantay ang pagkakalagay noon sa buhok niya.

            "Ano hong nangyari sa buhok 'nyo?" Taka ko.  Pinipigil ko ang mapatawa.

            "Ah, ito ba?" Bahagya pa niyang hinawakan ang buhok.  "Nakakita kasi ako ng pang-tina ng buhok sa kusina.  Kay Ester 'yata iyon.  Tinatamad kasi akong lumuwas ng bayan para pumunta sa salon kaya ako na lang ang gumawa sa sarili ko.  I know it sucks kaya baka papuntahin ko na lang dito ang hairstylist ko," naiiling na sabi niya.  Parang pinagsisisihan ang nagawa sa buhok.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon