Chapter Thirteen

53.4K 1.2K 67
                                    




Carlo's POV

            "Do you need to include me in that stupid meeting?"

            Nanatili nakatuon ang pansin ko sa telepono ko at tinitingna ko ang mga post ko sa soc med tungkol sa paghahanap ko kay Amy.  Napakarami ko nai-post sa Facebook, sa IG pati nga twitter isinama ko na kahit hindi ako marunong gumamit noon.

            "You are the new CEO of our company.  Iyon naman ang usapan ni dad saka ng daddy mo so you need to attend this meeting para formally ay maipakilala ka na sa ibang business partners," sagot ni Charlotte.  Nakaharap siya sa salamin at inaayos ang make-up niya.

            "Kung bakit kasi kailangan ko pang mag-resign sa company ni Les.  Maayos ang trabaho ko doon." Iritableng sagot ko.

            "Why do you need to be an employee if you can be a boss in your own company?" Balik-tanong ni Charlotte sa akin.

            "Because this is not my company.  Pakana 'nyo lahat ito.  You and your family are using me para ako ang magpatakbo ng kumpanya 'nyo."

            Parang biglang kinabahan si Charlotte sa naging sagot ko.

            "Carlo, nag-usap na tayo 'di ba?  I'll help you look for Amy then you'll going to help too.  People know that you are my husband and we need to act like a happy couple in front of them.  Kailangan natin gawin ngayon.  We are meeting big investors, business partners.  Alam mo naman iyon." Tonong nakikiusap si Charlotte.

            I just shook my head and turn my attention to my phone again. Charlotte is true to her words.  She is helping me boost the posts that I made for Amy.  I was hoping that I will receive a message, a post or anything about Amy.  Pero ilang araw na wala man lang nagpo-post ng positive feedback.  Kahit si Liv ay iniisip na nababaliw na ako sa ginagawa ko.  Hindi na daw siya naniniwala na buhay si Amy dahil kung buhay daw ang kapatid niya, siguradong uuwi ito at magpapakita sa kanya.

            Painis kong ibinato sa mesa ang hawak kong telepono at pahilatang naupo sa sofa.  Lahat sila iniisip na nababaliw na ako dahil umaasa akong buhay si Amy.  Pero iyon ang totoo kong nararamdaman.  Buhay siya at ang anak namin pero bakit nga hindi siya nagpapakita?  Sigurado akong nakita na niya sa social media ang mga litrato niyang ipinakalat ko.

            Sabay na kaming pumunta ni Charlotte sa Makati sa office ng ACO Logistics.  I know this company because they are one of the largest transport providers here in the country and some parts of Asia.  They offer land, sea and air freights.  

            "Why here?" Tanong ko kay Charlotte ng makapasok kami sa building ng ACO Logistics. 

            "Well, si daddy kasi talaga ang nagpatawag ng meeting na ito and he wanted to introduce you personally kay Bullet Acosta.  He is the CEO and Chairman of ACO Logistics." Sagot ni Charlotte.

            "Whatever.  Let's get over this.  Makikipagkita pa ako kay Travis," sagot ko at nagpatiuna na akong naglakad at pumuwesto sa harap ng elevator.

            "Sa 12th floor ang conference room and they are expecting us.  I just need to answer this call.  Mauna ka na. I'll take the other lift," sabi ni Charlotte at tinalikuran ako para sagutin ang tawag niya.

            Tiningnan ko lang siya ng masama at nanatili akong nakatayo sa harap ng elevator.  Napahinga ako ng malalim ng bumukas iyon at pumasok ako.  Nagulat ako ng halos sabay kaming pumasok ng isang lalaki at nagkabanggaan pa kami ng balikat papasok sa loob ng elevator.

            "Sorry.  After you," sabi ng lalaki at nag-give way siya para mauna akong makapasok.

            Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki.  Matangkad din siya tulad ko at naka-business suit din.  Baka isa sa mga boss sa building na ito.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now