Chapter Forty-three

58.8K 1.6K 206
                                    

Fyi. Fresh 'to. Expect typos, grammatical errors. Edit ko later.

Carlo's POV

Nagtatanong ang tingin sa akin ni Charlotte ng maabutan niya akong nakaupo sa harap ng mesa at hindi pa nagsisimulang kumain. Alanganin siyang naupo sa harap ko at parang tinatantiya ang mood ko.

"Bakit nandito ka pa?" Nagtatakang tanong niya at sumulyap sa relo. Pasado alas nuebe na kasi. Mas madalas, maaga akong umaalis dito sa bahay at gabing-gabi na ako umuuwi para lang hindi ko siya makita.

Tiningnan ko si Charlotte at bakat na bakat ang umbok ng tiyan niya sa suot na leggings at fitted sando. Tingin ko sinasadya niyang gawin ito para makita ko ang pagbubuntis niya. Alam kong umaasa siya na dahil sa pagbibigay niya sa akin ng anak ay maisasalba niya ang pagsasama namin.

"Naalala ko lang na monthly check-up mo ngayon sa OB mo. How many weeks is the baby already?" Nagsalin ako ng kape sa puswelo at uminom doon.

"Twenty weeks. And yes, I have my monthly check up today," alanganing sagot niya at nagsalin din siya ng kape sa mug.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang mug niya.

"Coffee is bad for the baby. Bakit ba lagi mong kinakalimutan iyon?" Napahinga ako ng malalim at pinigil ko ang inis ko sa kanya.

Napakibit-balikat si Charlotte at nagsalin ng pagkain sa plato niya.

"You're not your usual angry self," komento niya sa akin. Nagsimula siyang sumubo ng pagkain.

Napahinga ako ng malalim.

"I just realized what you said. I don't want anything to happen to my baby and I am willing to compromise."

Kumunot ang noo niya. "Compromise?"

"I am willing to give our marriage a shot for the sake of my child. I don't want to lose another baby."

Nakita kong biglang nagliwanag ang mukha ni Charlote at mabilis na tumayo at lumapit sa akin tapos ay yumakap ng mahigpit.

"Carlo! Thank you! Thank you." Ang higpit ng yakap niya sa akin at umiiyak na siya. Ewan ko. Pero wala talaga akong maramdaman para sa kanya. Na-realize ko lang na ayokong masaktan ang anak ko at ayoko ng mangyari ang nangyari sa anak namin ni Amy.

Bahagya siyang lumayo sa akin at hinawakan pa ang mukha ko pero iniiwas ko iyon. Hindi ko pa rin pala kayang maging malapit kay Charlotte.

"Okay na. Sasamahan kita sa OB mo ngayon," sagot ko sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti ni Charlotte sa labi niya ng bumalik sa kanyang upuan. Parang batang nakuha ang matagal ng inuungot sa magulang.

"You don't know how happy I am today. God answered my prayer. Sigurado akong magiging mas smooth ang pregnancy dahil dito. Kasi mararamdaman ni baby na mahal siya ng daddy niya," nakangiti pa niyang sabi sa akin.

Pilit akong ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Parang nasa cloud nine ang itsura ni Charlotte. Hindi na nga siya makakain sa sobrang tuwa.

"I'll call your mom. I'll tell her about this. I love you, Carlo. You made me very happy today." Mabilis na tumayo si Charlotte at nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya.

Napabuga ako ng hangin. I don't know if what I am doing is right. But I keep on telling myself that I am doing this for the child. Hindi ko man nagawang protektahan ang anak namin ni Amy, kahit dito man lang sa anak namin ni Charlotte ay babawi ako. I'll be a good father. I'll protect my child up to the end kahit pa magsakripisyo akong pakisamahan ang nanay niya na hindi ko gusto.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon