Chapter 51

75.9K 1.2K 17
                                    

51: FAMILY IS LOVE



(Ella POV)

Panay ang iyak niya habang nakagapos sa upuan. Ang lalaking nagkidnap sa kanya ay nakaupo sa gilid ng pintuan, abala ito sa cellphone at paninigarilyo. Mahigit dalawang oras na siyang nakaupo at panay ang pagmamakaawa sa lalaki upang pakawalan siya. Ngunit wala itong imik.

"Kaya ka bigyan ng malaking pera ng pamilya ko. Sabihin mo lang kung magkano ang kailangan mo. Please..." Pangatlong attempt niya sa lalaki na tingin niya ay hindi naman ito masamang tao, napipilitan lang. Noong una ay sinigawan lamang siyang tumahimik at lumabas.

May mga kasamahan itong nag-iinuman sa labas. Muntikan pa siya pagtripan ng lasing kanina. Dumating ito at sinabing huwag siyang hahawakan o kahit anong gasgas dahil iyon ang kabilin-bilinan ng amo niya. Hindi niya alam kung sinong amo ang tinutukoy nito pero alam niyang napag-utusan lamang ang mga ito. Sa pangalawang pagkakataon ay nagmamakaawa ulit siyang pakawalan nito, ngunit hindi ito umimik. May kausap ito at panay ang sigaw niya na pakawalan na siya habang umiiyak. Tinutukan siya ng baril nito dahil sa pagkapikon kaya tumahimik siya.

Lumapit sa kanya ang lalaki at kumuha ng tape upang takpan ang bibig niya.

"Nagmamakaawa ako sayo, alam kung hindi ka masamang tao. Please.."

Walang imik nitong tinakpan ang bibig niya ng adhesive tape. Tumutulo ang luha niya at panay ang ungol. Bumalik ang lalaki sa kinauupuan at may katawag muli. Sinadya nito naka-loud speaker ang phone.

"Papunta na kami diyan. Huwag na huwag niyong gagalawin ang babaeng 'yan kundi babasagin ko lahat ng bungo niyo. Hintayin niyo kami dahil ako na ang bahala sa kanya." Wika ng babaeng pamilyar ang boses sa kabilang linya.

"Masusunod Ma'am pero diba sabi niyo ay ipaparansom niyo ang babaeng ito." Sagot ng lalaki sabay sulyap sa kanya. She was pleading. Agad na umiwas ito ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.

"Oo pero saka na kapag tapos na siyang pakinabangan ng mga tropa mo diyan." Tumawa ito sa kabilang linya. Humagulhol siya sa narinig. Hindi pa man dumarating ay kinilabutan na siya sa takot.

Pagkatapos ng tawag nito sa babaeng kausap ay agad na tumayo ang lalaki at wari may tinitingnan sa labas. Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas. Sinusubukan niyang igalaw ang kamay ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali nito. Masyadong masakit na ang kamay niya dahil sa friction. Nakarinig siya ng sasakyan na dumating. Kinabahan siya dahil tila ito na ang babaeng kausap ng lalaking nagbabantay sa kanya. Ang mastermind ng kidnapping.

"Well, well, well. So, this is her."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang babaeng nasa harapan niya. Ngumisi ito sa harapan niya sabay hagod sa kanyang kabuuan. Gumalaw ang panga niya sa galit at poot na nararamdaman niya sa mga oras na ito. How could she never forget this face? It's Nova Freston. Ex-girlfriend ng kanyang asawa. Galit niyang tinutukan ito ng tingin. Pilit niyang kumuwala at tumawa lamang ito sa reaksyon niya.

"Such stupid girl. Alam mo kung hindi ka siguro nakialam sa relasyon namin ni Yvo, hindi ka darating sa point na ganito. Look at you." Anito sabay hagod sa kabuuan niya. Tumaas ang isang kilay nito. "You're helpless and hopeless." Dugtong nito at napaismid.

"I don't deserve to be dumped like I was nothing but just an option to a man like Yvo. You know what, he's a man of my dream. Perfect na sana pero noong dumating ka kasama ang bastarda mong anak, nasira ang buhay ko. My dad lost all his assets and my mom is suffering now dahil sayo!" Lumapit ito at sinampal siya ng ubod ng lakas. Umungol siya sa sakit.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon