Chapter 3

88.5K 2K 24
                                    

Chapter Three: Hide and Seek

........................................

[Ella POV]


Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Hinagod nito ang kabuuan niya at malditang ngumiti. May halong sakit parin ang mga mata nito. They used to be closed before pero natuldokan yun dahil sa isang aksidenteng nangyari.

"So you're here." Tanging nasabi lang nito. Nakilala agad siya nito? How come ang mga brothers nila hindi agad siya nakilala?

"M-mica..." Mahina at nabibigki niyang sambit.

Mica glared at her from head to toe. Hindi parin pala siya nito napatawad. Gusto niyang yakapin ang dalaga pero alam niyang ipagtutulakan lamang siya nito. Mica crossed her arms at umismid ito sa gawi niya.

"You should not be here. Pasalamat ka at mahal ka parin nila Mommy at Daddy. After what you did to me? Be thankful dahil malayang nakakapasok ka padin dito sa mansyon."

Napatingin ito sa tumilapong mga pictures sa ibaba. Naalarma siya at dali-daling pinulot isa-isa ang mga iyon. Namalayan na lamang niya na umalis na ito palayo. Napahinto siya sa ginagawa at pinagmasdan si Mica habang naglalakad palayo. Magandang bata talaga si Mica at mas lalo pa itong gumanda ngayon. They have lots in common. Kaya nga nagkasundo sila dati. Pero nagbago ang lahat dahil sa aksidenteng pakana ni Stacey.

Mica didn't really know what happened. She was also traumatized at hindi na niya nagawang ipagtanggol ang sarili siguro dahil nasanay siyang lageng inaapi noon. Mahihirapan na din siyang maibalik pa ang dati. Hindi man lang siya nakapagpaliwanag ng maayos. After renewal of vows of their parents, saka na siya magsasalita tungkol sa totoong nangyari twelve years ago. Napabuntong-hininga siya. Nakakapagod din pala ang paulit-ulit na rejection. Nakakasawa na ang masaktan. Nakarinig sya ng yapak sa may hagdan. Naalarma siya nang marinig ang boses ng mga kapatid na lalaki.

"Nah I hate that party, sumasakit ang ulo ko."

"Basta si Stacey nagyayaya, nakakawalang gana. Parang wild parties ng mga slut."

Naririnig niya ang usapan at bago pa man siya makitan ng mga ito nagmamadali niyang pinulot ang mga photos sa abot ng kanyang makakaya. Papalapit ng papalapit ang mga hakbang. Agad siyang tumayo at pumasok sa loob ng kwarto. Hindi na siya tumungo sa music room baka makasalubong niya ang mga kapatid. Hindi parin siya handang makipag-usap sa mga ito.

Napabuntong-hininga siyang umupo sa kama. Kinakabahan siya sa tuwing naiisip na makakatagpo niya si Yvo. Parang sariwa parin sa utak niya kung paano siya pagsalitaan ng mga masasakit na salita nito noon. She heard the footsteps stop. Magkatabi ang silid nila ni Yvo at sa tapat naman ay magkatabi ang kwarto ni Mica at Servo. Sa kabilang hallway naman sila Jaime at Stacey. Sa kabilang likuan pa.

"Night Bro.'

Si Servo yun at saka niya narinig ang pagbukas at pagsara sa sa tapat ng kanyang kwarto.Walang kibo.

Maya-maya may nagbukas ng pinto sa kabilang kwarto and she heard the lock sound. Nagpalipas muna sya ng ilang minuto bago nagbukas ng pinto. She look at the hallway, scan around kung may tao pa ba, tahimik at wala syang nakita, at saka siya lumabas at nagmamadaling pumunta sa music room.

.................

[Yvo POV]


He was staring at the picture na nakita sa labas ng pintuan kanina. The familiar beautiful face. She is amazingly stunning and has alluring aura. Innocent looks like an angel. Bahagya itong nakatagilid, a stolen shot na may hawak na digital camera. Her eyes are very expressive at kahit picture lamang ito, alam niyang makakapal ang mga pilik mata nito. It's very natural, walang bahid na make up. Her pinkish kissable lips ay nakakaakit halikan at titigan.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon