Chapter 40 (SPG)

66.5K 1K 28
                                    

40: WITH THE ONE YOU LOVED


***

Yvo



"I lied about Stacey na inampon namin siya dahil she was crying when she saw Ella coming towards us. Based sa adoption matching, si Stacey talaga ang dapat naming ampunin. Ella is a charming kid, shy and so sweet. Your Dad and I couldn't take our eyes off her when we saw her. Habang bumibisita kami sa ampunan, mas lalo siyang napapalapit sa amin. And we decided to adopt her. And it turned out na nagmatch din ang needs niya sa aming mag-asawa. Stacey was not happy about that. She was an eccentric kid. Ella was one of the most favorite kids ng foundation. Kahit ang mga sponsors ay paborito si Ella because of her attitude and behavior. Kaya lageng na-iinsecure si Stacey at mas lalo siyang nagalit nang malaman niyang aampunin din namin si Ella. Pinadoktor namin ang kapatid mo, hijo. She had been suffering with her conduct and narcissistic disorder as it was her first diagnosis."



Yvo doesn't know how to process all the information he just received tonight. Sa pagkalugi ng kumpanya because of Stacey, sa pagnanakaw at disorder nito, sa history ng adoption ng dalawa, sa natuklasan niyang katotohanan sa aksidente ni Mica at ang nangyari sa kanila ni Ella four years ago. Dumagdag iyon sa kanyang kalituhan at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin o hakbang para maging maayos ang kanilang sitwasyon. Hindi naman mahirap tanggapin ang sitwasyon, sadyang mapait lang ang mga pangyayari ng kahapon.


Nagshower siya upang mahimasmasan ang sarili dala ng stress. He had been thinking so much the problem lately kaya tumataas ang stress level ng hormones niya.

Tiningnan niya ang orasan at lampas alas alas dyes na ng gabi. Umupo siya sa sofa na nakatapi lang ng towel na puti at sumandal sa sofa. He is staring at the ceiling blankly. How he wished he could turn back time para ayusin ang kaguluhang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Sabi nga sa kasabihan, everything happens for a reason. Siguro ay masasagot din ang mga katanungan sa isip niya along the way.

Nagising ang diwa niya nang tumunog ang ringtone ng cellphone. He took it and answered the call immediately.


"Hello." He answered in a bored tone. It was Servo.

"Kuya, nasaan ka ba? Can you hear me?" Halos pasigaw na tanong ni Servo dahil sa ingay ng background. He turned on the loudspeaker at bahagyang inilayo ang cellphone sa tenga.


"What?" Iritable niyang tanong.

"You need to come here kuya. Ate Ella is drunk and I don't know how to stop her." Narinig niya ang tawanan at sigawan sa kabilang linya. Agad siyang bumalikwas sa kinauupuan.

"Fuck." Malutong niyang mura nang marinig ang sinabi ng kapatid. He stood up at agad na kumuha ng masusuot.

"You have to hurry. Anyway––" Narinig niyang tumawa si Servo at mga boses babae sa kabilang linya. Ito na naman ang playboy niyang kapatid.


"Just take care of her for a while, I'm on my way." He ended the call, grabbed his keys, and walked out the door immediately.

**


Naabutan niya sila Max, Johann. Nicholas, Darren, Jaime, and the birthday boy Yael sa isang lounge table with women on their sides. Nandoon din ang ibang colleagues nila at mga miyembro ng Billionaire's Club, Alpha Warrior Fraternity at marami pang iba na nasa alta sa syudad. Agad na umikot ang mga mata niya sa kabuan ng wari may nais agad makita.

"Happy Birthday, nuthead." Inakbayan niya si Yael.

"Thanks kuya! I thought you wouldn't come tonight." Nakangising sabi nito at tinapik siya sa balikat. Nagpalinga-linga siya, hinahanap ang dalaga.


"Happy Birthday, Man! At last, you turned 27! You'll get your damn wealth from your mother! Congrats." It was Denzyl who greeted the birthday celebrant, kararating lang din nito.


"No bro. I don't want to marry that fucking weird Saavedra." Napangiwi pa ito at nagsitawanan ang lahat.


He turned his eyes to Jaime, sitting on the couch silently while drinking his glass of tequila. Nakatingin lang ito sa baba. Wari ninanamnam ang lasa ng alak. He knows that feeling. Nabalitaan niyang umaaligid ito sa kanyang asawa ngayon. He doesn't want to brag nor to ask neither. Kaya minabuti niyang huwag muna itong lapitan.

He's looking for Servo and Ella. Nahagip sa mga mata niya si Servo na nakasandal sa wall na nakapamulsa, may tinitingnan sa dancefloor. Agad niyang nilapitan ito at tinapik sa balikat.

"Where's Ella?" He asked immediately. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa tenga nito upang marinig siya. Gawa ng ingay sa musika, mahihirapan siyang kausapin ito ng maayos.

"There." Ngumuso ito sa dancefloor.

Tiningnan niya ang mga nagsasayawan sa bulwagan ng dancefloor at nakita niya si Ella na nakikipagsayawan sa isang lalaki. The man is not the random guy but member of the Billionaire's club na si Jacob Thwart. Kilala niya ang lalaking ito. He's one of the best surgeon here in the Philippines at maging sa labas ng bansa kung saan ay nag-oopera ito ng mga malalaking medical operation.


"Jacob asked her to dance so there she is." Pahabol ni Servo. Biglang uminit Ang ulo niya sa nakita.

Jacob is taking advantage of her. She is drunk at namumula na ang pisngi nito. They are not dancing erotically but they are dancing like crazy. And that Jacob is keep on laughing kahit hindi niya naririnig ang mga halakhak nito. May sinasabi ito kay Ella sa tenga and their bodies are getting closer to each other. He saw Jacob holding Ella's waist. Hindi siya nakatiis at agad nilapitan ang mga ito. Hinablot niya si Ella sa pagkakahawak nito. Nabigla ang dalaga sa ginawa niya maging ang kasayaw nito. He looked at him stoically. Umigting ang panga niyang sinulyapan si Jacob. Pinigilan niya ang sariling huwag mauwi sa suntukan ang eksenang ito dahil umiinit ang ulo niya ginagawa nito kay Ella.

"Yvo! Man you're here." Jacob suddenly recognized her. Agad itong tinapik ang balikat niya. Pero hindi niya pinansin ito at ibinaling niya kay Ella ang atensyon.

"Let's go. You're drunk." Maawtoridad niyang tugon. Nakangisi siyang binalingan ni Ella. Palatandaan na lasing na ang dalaga.

"I am still enjoying the party, sweetheart. Wanna dance with me?" Agad siya nitong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Gwapo ng baby ko." Humagikhik ito. He encircled his one arm on his tiny waist para suportahan ang katawan nito na nagbabadya ng matumba. All of a sudden, nabaling ang atensyon ni Ella sa kanya which makes him feel good.


Sinulyapan niya si Jacob at natatawa ito sa ginagawa ng dalaga. Maybe Jacob thought that Ella and him still has deep relationship. Also, he doesn't want another man to mess it up. Like what Ella's friend did na si Dylan.

"Yeah, she's drunk. You better bring your fiance home." Suhestyon nito. Bahagyang nabawasan ang pagka-inis niya sa binata knowing na marunong naman pala itong lumugar. Kahit hiwalay na sila ni Ella, it doesn't mean na available na ito kahit kanino especially one of the men around his circle.

"Okay, I got to go. Thanks." Tipid siyang ngumiti kay Jacob sabay tapik sa balikat nito. Tumango lamang ito.

"Okay, have a safe drive." Pahabol nito.


"Let's go home." Bulong niya dito nang mas lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa kanyang leeg. He can smell her lavender scent perfume and it's giving him relief na mas lalong nagpapainit sa kanyang katawan as of this moment. Kahit hindi niya nakikita ang dalaga ay nadidistinguish niya ang amoy ng katawan nito because she has only that very familiar and peculiar scent na gustong-gusto niya mula pa man.

"Hmm. Ayoko. Where's Anica and Amethyst?" Kumawala ito ng pagkakayap at kunot-noo siyang tiningnan nito. Namumungay na ang mga mata nito tanda ng kalasingan. Hindi niya kilala ang mga pangalan na tinatanong nito. Marahil nakasama nito kanina habang nag-iinuman.

"Come on, let's go." Hindi niya pinansin ang tanong nito at dahan-dahan niyang inalalayan ito sa paglalakad.

"Yvo! I need to go to the comfort room." Her voice was getting slurred. She pouted. He sighed.

Dinala niya ito sa comfort room at sumuka ito sa toilet bowl. Hinagod niya ang likuran nito upang maibsan ng konti ang pagkahilo, at kumuha na din siya ng panyo para punasan ang mukha nitong namamasa. Kalaunan nang kumalma ito ay binuhat niya ang dalaga palabas sa bar na Nicholas. This is the reason why he didn't want to let her drink any alcohol because she has less tolerance with it. Isa pa, dilikado kapag nag-iisa ito dahil maraming lalaking gustong magtake-advantage bilang isang babae lalo pa at subrang ganda nito.

Dinala niya ito sa kanyang penthouse dahil hindi nakakabuting sa mansion niya ito dadalhin. Pinunasan niya si Ella at agad na binihisan. Tanging T-shirt nq extra large lamang ang sout nito at pink lacy panty. While looking at her position, hindi maiwasang bumalik sa alaala niya kung paano niya sinisira ang mga underwear nito noon everytime they make love, which is giving him a boner now. Kanina pa siyang nagpipigil sa katuksuhan habang binibihisan ito.

Nakatitig siya sa kabuuan nito habang nakahiga sa kanyang kama. She looks peaceful in her sleep. Gumalaw ito at tumagilid at niyakap ang unan sa kanyang tagiliran. Umangat ang sout nitong T-shirt at lumitaw ang makinis nitong singit. Lihim siyang napamura sa posisyon nito. At the end, kinumutan niya ito at pumasok sa loob shower room upang maligo. Gusto niyang maibsan ang init sa kanyang katawan ngayon. He needs a cold a shower to calm his erection at this moment.

Maya-maya ay tumabi siya sa sa dalaga. Nakatitig siya sa kisame at lumilipad ang kanyang utak sa kung anong mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. He tried to close his eyes kahit hindi siya nakakaramdam pa ng antok. Nilingon niya ang dalaga. Nakatalikod ito sa kanya. The bed is huge, and there's a big space between them.

He closed his eyes again. Maya-maya ay umalon ang higaan. Hindi niya pinansin ang kalikutan nito. Nanatiling pikit ang kanyang mga mata. Gusto na niyang matulog kahit hindi pa inaantok.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon