Chapter 5

91.8K 2K 36
                                    

5: THE DAY


Yvo

Yvo cancelled all his appointments today. Hindi naman masyadong importante ang mga kinansela niyang mga meeting. Mas gusto niyang maglaan ng oras kasama ang pamilya, specifically Ella. Aminin man niya o hindi may kakaiba talaga siyang nararamdaman para sa dalaga.

Giliw na giliw ito sa pakikipagkuwentuhan sa mga bata. Hindi din niya maiwasang makaramdam ng pagkamangha sa kabila ng lahat ng nangyari noon. It was maybe a part of childhood of Ella. Nakaramdam din siya ng mga pag-iwas nito.

"Miss Smith!"

Napalingon siya sa lalaking tumawag kay Ella. Smith?

"Edward. Hi."

Nakita niyang nagbesohan ang dalawa at biglang bumangon ang kakaibang paninibugho sa kanyang kaloob-looban. Kumulo ang dugo niya nang makitang hawakan nito ang braso ni Ella. Hindi aware ang dalaga sa ginagawang advantage motive ng lalaking kausap nito. He's a guy at sa mga kilos nito alam niyang may gusto ito sa kanyang kapatid. Hindi niya maiwasang magtagis ng bagang. Bigla niyang nilapitan si Ella at hinapit ang bewang nito.

"Yvo." Ella stated in a little discomfort.

"Stop touching her."

Mahina ngunit matigas niyang pagbanta. Nabigla naman ito sa sinabi niya. Tinututukan siya nito at agad naman siyang nakilala ng nagngangalang Edward.

"Can you give us some space?" It was not a pleasing tone but a warning.

Natigilan ito. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Marahil hindi sila magkalevel ng status at wala din siyang pakialam. Base sa reaksyon nito alam niyang nakilala siya nito.


Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Yvo Micahel J. Zamora?

"I'm sorry, hindi ko alam na may boyfriend ka na pala ni Miss Smith."

Boyfriend? Miss Smith? That made his eyebrows raised upwards.

"Edward please excuse us. I'm sorry." She said in apologetic tone and Yvo didn't like it.

Why Ella is so sweet with other people? Minsan, naitanong niya sa sarili. Hinila siya nito sa isang tabi kung saan malayo sa mga tao.

"Yvo, ano ba ang ginagawa mo?" Iritable ngunit nasa mababang tono nitong tanong. Halos pandilatan ng siya ng isang pares na maamong mata nito.

"Can't you see na hinahawakan ka niya? Nagpapahipo ka naman." Matigas nitong sabi. Napanganga si Ella. Hindi makapaniwalang napakurap ito sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mong nagpapahipo ako?" Mas lalong nagsalubong ang kilay nito, "Ano ka ba, isa siya sa mga sponsor dito huwag mo siyang bastusin."

"Ako pa ngayon ang bastos? Siya itong nanghihipo sayo." That made him more irritated nang kampihan ito ng dalaga. "Wala akong pakialam kung sponsor siya sa event na ito dahil kaya ko namang palitan ang lahat ng dinonate nya kahit pa triple."

Buong pagmamalaki niyang sabi at mas lalong nainis si Ella sa inaasta niya, halatang hindi nagustuhan.

"Such an insensitive reason, Yvo. Kung ganyan ka, pwede ka namang umalis at iwan ako dito." She hissed.

Gusto niyang magmura. Yvo combed his hair frustratingly. He got it. Maybe Ella likes Edward too. Pero may isang bagay pa siyang ipinagtataka. That name Smith.

"And why the hell he called you Miss Smith? You have a new name or surname? Kailan mo pa kinakahiya na isa kang Zamora?" He mocked. He gritted his teeth silently.

Ella looked at him directly in the eyes. Minsan lang siya tingnan ng deretso sa mga mata nito. Lage itong nakayuko at umiiwas ng tingin sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. It makes him crazy, thinking how much he wanted to hug her when she saw her after so many years they haven't talking and seeing each other.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon