Chapter 13

81.2K 1.4K 16
                                    


13: A DATE


***

Ella

Pagkatapos niyang kumain. Agad siyang tumungo sa sariling silid. Inaalala niya kung paano siya napadpad sa silid ni Yvo. Nakakahiya talaga kapag nalalasing siya dahil hindi na niya minsan kontrolado mga pinanggagawa niya.

Pumasok siya agad sa shower room para maligo habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi.

Flashback

"Isa pa Servo, please. Gusto ko pang uminom."

Kahit nahihilo at umiikot na ang paningin niya ay gusto niya padin uminom. Ngayon lamang siya ginanahan ng ganito.

"No , Ella. You're drunk."

Tanggi nito at inilayo ang baso na may lamang alak.

"Please! Give me that!" Agaw niya ulit.

"Kuya Jaime, iakyat na lang natin si ate Ella sa kwarto. Sige na. Lasing na siya." Pamimilit ni Mica.

Palibhasa hindi ito masyadong uminom. Kaya hindi ito nalasing. Siya naman na parang may masakit na pinagdadaanan grabe kung makatunga ng alak. Naiinis siya dahil siya lang ang may pagtingin sa binata at ito nananatiling sister's love. Pero hindi naman siya pwedeng magalit sa binata, hindi naman pwedeng sumbatan niya ito dahil wala naman silang relasyon. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ito at umasa kahit papano.

'I want to end this feeling pero paano? Gusto ko siyang kalimutan kahit ngayon lang'. She murmured.

"That's enough, Ella. Lasing ka na."

Napalingon siya sa boses na iyon. Naniningkit ang mga mata nitong tinititigan siya. Naaaninag niya ang mukha nito kahit malabo.

"Oh hi Brother. What's up?" Nakangisi niyang bati. Lasing na nga siya dahil umiikot na ang paningin niya.

"Mica, tama na yan. Kayong dalawa kung gusto niyong mamatay sa alak, huwag ninyo idamay itong dalawa"

Tumawa siya. He has that authoritative voice na wala talagang katulad. She heard Servo murmuring something but hindi niya masyadong narinig. Hinila ito ni Jaime paalis sa stool at inakbayan ito, paalis sa mini bar.

"Kuya Yvo mauna na ako. Take care ate Ella, hah. Goodnight. Next time huwag ka na masyadong iinom. Napakadali mo kasing malasing." Anito at niyakap siya sandali saka siya tinalikuran.

"Oh.. Night Baby Girl. Sabay tayo spa next time hah? I love what you said about those feet kissers. Hmm..." Nakangiti niyang kaway. Tumango lamang ito at tumawa saglit saka nagpaalam na aakyat sa silid.

"Oh Yvo, you're here. Do you care again?" She grab the bottle of brandy at akmang tutunggain ang laman ay mabilis naman itong inagaw ni Yvo at itinabi sa itaas ng alcohol display.

"Ella that's enough. Halika na, hatid na kita kwarto mo." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patayo.

"Oh my God Yvo.. Ang KJ mo naman." she hissed. Malabo na talaga ang paningin niya.

Binuhat siya ni Yvo paakyat sa hagdan. Umikot ang paningin niya kaya ipinikit niya ang mga mata. Pakiramdam niya mabubuwal siya.

"Yvo.. I think..hmmm." sinubukan niyang sabihin ang nararamdaman dito pero nahihilo talaga siya. Hindi ito kumibo. He stop walking.

"Where is your key?"

"In my bag." Lutang na lutang kong niyang sagot pero nasa bag lamang niya ito huling nilagay.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon