Chapter 39

67.6K 1.3K 26
                                    

39: PAINFUL TRUTH

***

Yvo

"Good morning sir. Ito po yong kape niyo." Pumasok si Megan sa loob ng opisina pagkatapos nitong mag-intercom.

She's the OJT slash Secretary trainee ng kumpanya. Pinayagan lang niyang magkaroon ng OJT mismo sa loob ng kanyang opisina dahil pamangkin ito ng dating head ng finance na si Ginang Cuevas. Kapanahunan ng pamamalakad ng kanyang ama. Dahil magaling ito sa trabaho at close ng Daddy niya ay pumayag siya sa pakiusap ng Ginang na isingit ang pamangkin nito as OJT. Si Razzel, ang kanyang werdong sekretarya ang nagte-train kay Miss Cuevas.

"Thank you." Aniya at inamoy muna ang kape bago tinikman.

"Don't worry sir, walang lason yan. Si Miss De Jose po ang nagtimpla niyan." Daldal nito. Kunot-noo niyang sinulyapan ito. He noticed na taklesa ang babaeng ito.

"Ah sige po. Aalis na ako." Ngiwi nito. Hindi niya alam kung paano nagkakasundo si Razzel at itong si Megan dahil subrang opposite ng mga personality nito.

"Really, Yvo! Ang kapal ng mukha mo na tanggalin si Dad as a share holder ng kumpanya dahil lang sa naghiwalay tayo!"

Ibinagsak ni Nova ang hawak na mga papeles sa kanyang mesa. Tumilapon ang kape niya sa ginawa nito. Humahangos ito sa galit.

"Sir pasensya na po. Sinubukan ko naman pong pigilan si––" Miss De Jose barged in at nag-aalala ang mukha nitong tiningnan si Nova na nanggagalaiti sa galit. Tinanguan niya ito at sumenyas na pwede na silang lumabas upang makapag-usap sila nito. Hinila nito si Megan na saglit na natulala sa ginawa ni Nova.

"I already told you that he breached the contract. He sold 90% of his shares without following the rules and regulations of the company and withdraw the remaining 10% of it, forging my signature for approval. I have no choice but to issued close account for contract dismissal. He committed forgery for goddamned money na pwede ko namang ibigay any moment he wanted to. Now, are you done?" Nagpipigil siya sa galit.

He looked shocked. Taas-noo padin siyang tinitigan nito. Hindi man lang nagpatinag. If she is mad for what he did furious. Noong isang araw lang ay nagwala ito sa loob ng opisina niya at malapit na niyang ipahila ito sa mga security guard palabas ng building. He didn't know na may ganitong ugali pala ang babaeng itong mag-eskandalo kung kelan nito gusto. Kumurap ito.

"Nangyari na ito dati, Yvo. He broke one of the rules of this shit company, why now?" She smirked. She crossed her arms in front or him like a boss. He snorted.

" Yeah, but not forging my signature. The board members wanted him out; worst, his name would be in the blocklisted investors. Come on, Nova, we both knew that he has been gambling all these years. It's not my fault if your Dad loses all his money on that. You can also withdraw yours if you want. I don't mind. I can give all your investment if you wish so." Nagkatitigan sila sa mga mata. Tiyak na nainsulto ito sa sinabi niya. Pumiyok ito sa sinabi niyang nagsusuigal ito. She knew it from the start.

Bonno Freston, her Dad is a gambler. Palagi itong nasa casino at ang ina naman nito na isang socialite ay unti-unti ng nauubos ang pondo sa mga luho. Their family is facing bankruptcy sa jeweleries business nito. Walang alam gawin si Nova kundi ang pagmomodeling. Malaki naman ang pondo nito sa pagmomodelo pero dahil sa luho ng ina at hindi marunong magmaniubra ng clothing business nito ay nalugi din ito kamakailan lang.

"Fine. I will withdraw all my investment; I spent in this company. I will wait it in my bank account until tomorrow." Taas noong pagtatagis ng bagang nito.

"Don't worry. It will not take twenty four hours to process." He assured without taking his eyes off with her.

Bumuga ito ng hangin at pinasadahan siya ng mapanuring tingin bago nagmartsa palayo, swaying his hips like a walking in a catwalk. He fixed his tie at napailing-iling na lamang. Lumingon ito pagkatapos buksan ang pintuan.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon