Chapter 28

62.4K 1.1K 22
                                    

28: NEW LIFE


***

Ella



Four years later..

Dallas, Texas

Lumalakas na ang sales ng kanilang Y&J Art Studio. Syempre pahirapan din noong nag-uumpisa pa lamang siya pero dahil sa social media and different high technology platform ay unti-unting nakilala ang mga piece of art niya. Pinasok na din niya ang painting while her photography is still progressing. May mga nagrerequest pa sa kanya to paint something at may mga tutorial din siya sa YouTube on how to paint something like nature, flowers, faces or characters or to take shots in different angles using different camera effect and so many more. Hindi naman siya nagpapakilala at nagpapakita sa video. Voice over lang ng kanyang mga uploaded videos. Nag-aral siya ng arts sa abroad and she is doing freelancing.


Marami na din siyang mga subscribers at umabot na ng million kaya unti unti siyang nakilala sa parte ng America. May plano din siyang magpatayo ng branch sa ibang parte ng States like sa New York, which is the business capital in USA. She is also paying vloggers and bloggers to feature her art and business.

Until now wala parin siyang link kung nasaan ang mga magulang. Naging busy na kasi siya after two months she left in Philippines dahil kay Yesha. Last year lang ay nabalitaan niya kay Carlos na nagngangalang Arrianna Balesteros ang kanyang ina. Si Carlos ang nag-iimbestiga sa paghahanap ng kanyang biological parents. Nakapag-asawa daw ito ng isang French citizen. At halos hinalungkat niya sa facebook, twitter at google makilalala lang ang isang Arrianna Balesteros pero inabot din ng isang taon sa paghahanap ng identity dahil karamihan ay hindi nagmamatch sa description na hinahanap niya.

Felipe Gomeri

He was the one who brought her in Haven home Orphanage when she was a baby. Ito ang unang hinahanap niya sa Pilipinas na nagpalipat-lipat ng tirahan. At hanggang ngayon ay hindi niya padin ito nahanap. Sa daming link na tao sa buhay niya ay para siyang naghahanap ng karayom. Pinagpasa-pasahan siya at minsan nakapanlulumong maghanap ng taong walang planong magpahanap.
But still hindi padin siya nawalan ng pag-asang makilala ang totoong mga magulang. Hindi padin siya nawawalan ng pag-asang mahanap ang mga ito.

"Hello Neth, napatawag ka?"

Naneth called her in landline dahil naiwan ang cellphone niya sa bahay.

"Dylan didn't answer his phone. Nasaan ba siya?"

Halatang iritado ang boses nito. Napangiti siya. Naglilihi padin itong kaibigan niya sa asawa. Marami ding nangyari sa relasyon ng dalawa sa loob ng mahigit tatlong taong hiwalay. Sinubok ang pag-iibigan at nagkabalikan din naman.

"May business meeting. Patapos na din 'yon. No worries." She gave her an assurance dahil medyo bugnutin ito dala ng pagbubuntis. Pagkatapos nitong magpaalam ay ibinababa na nito ang phone.

About Dylan-Naneth, they're happily together. Two months ago lang ikinakasal ang mga ito. Nakunan ito noon dahil sa stress na tinamo. Noong umpisa ng kanilang relasyon, hindi kasi gusto ng mga magulang ni Dylan si Naneth dahil nga walang matinong pamilya at kung anu-ano pang mga dahilan at isa din sa mga dahilan ay ang umugong na balita na nagtanan sila ni Dylan sa mga magulang nito, which is not true pero kasalanan din naman niya.

After the devastating event of their relationship ay naghiwalay ang dalawa. Naneth pursue her dreams in New Zealand, sa Daddy nito while Dylan ay nagpatuloy sa buhay binata. They lost their communication. Nagtayo si Dylan ng restaurant sa Texas at tumulong ito sa kanyang Art Gallery Business. Dahil na rin kaibigan niya ang dalawa, nagkrus ang landas ng mga ito at dahil hindi pa nawala ang pagmamahal sa isa't-isa ay nagkabalikan ang dating couple five months ago. At ito na nga Naneth is three months pregnant and the two are happily married.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon