Chapter 16

68.2K 1.3K 27
                                    

16: LOVE AND LUST

#SPG

***

Ella

Kailangan niyang umuwi. Bukas o sa makalawa ay aalis na ang mga magulang nila for honeymoon trip. Kailangan niyang magpakita sa bahay dahil gusto niyang magpaalam pauwi sa London sakaling matapos ang kanyang mga transaksyon nang hindi pa makauwi ang mga ito.

Nandito siya sa condo ni Naneth. Hindi niya alam kung paano harapin ang mga tao sa pag-uwi niya sa mansyon dahil sa nangyari. Nabigo niya si Yvo at sigurado siyang disappointed ang buong pamilya nito except Stacey maybe. Kagagaling lang ni Mica sa condo kaninang umaga at nagkwento about sa mga disappointments ni Yvo. Kung maibabalik lang siguro niya ang panahon. She wouldn't go for that dinner. Nasasaktan din siya sa nangyari. Mas nasaktan yata siya kanyang ginawa. May mga panghihinayang pero mas nananaig ang kagustuhan niyang huwag tanggapin ang proposal kahit masakit para kay Yvo dahil mas masasaktan niya ito kung hindi naman siya masaya sa magiging desisyon niya.

"So okay kana? Kaya mo ng magpakita?" Umupo si Naneth sa tapat niya. Nasa dining table sila. Nagbe-bake na naman ng pastry si Naneth.

"Oo best. Thank you so much sa pagpapa-stay sa akin dito sa bahay mo." Nakangiti niyang tugon.

"Wala 'yon. Siyempre bestfriend kita."

Kailangan niyang umuwi. Naiwan ang cellphone niya sa bahay. Baka nag-aalala din ang Mommy Regina at Daddy Lucas dahil hindi pa siya nakakausap ng mga ito. According to Mica ay kinukumusta at tinatawagan daw siya ng mga ito.

She sighed, "Okay lang yan Ella. Kaya mo yan. Hindi naman katapusan ng mundo ni Yvo kung tumanggi ka man sa proposal niya."

"Kailangan ko ng umuwi, Best."


Tumayo siya para umalis. Pinuntahan ni Naneth si Dylan sa sala, nakahiga ito habang nanonood cartoons.

"Hoy, batugan! Bumangon ka nga diyan. Ihatid mo na si Ella sa mansyon."

Mataray nitong utos. Tila naman walang narinig ang binata at patuloy lang sa pagtawa habang aliw na aliw sa kakapanood ng comedy cartoons. Natawa siya sa pagiging childish ni Dylan. May itinatago din palang pagka-immature ang lalaking ito. Hindi mo aakalain sa isang businessman.

Nakangiti lamang siya habang pinagmasdan ang dalawa. Sinigawan ulit ni Naneth at bumangon itong kinakamot ang ulo.

"Kapag ikaw ang magiging asawa ko. Naku magpapakamatay na lang ako! Ang ingay ng bunganga mo."

Pagmamaktol nito at inirapan ang dalaga.

"Aba! Eh di pakamatay ka! Asa ka pa maging asawa kita. Loko-loko."

Humalagpak ng tawa si Dylan sa sinabi Naneth. Inirapan ito ni Naneth at napahalukipkip na parang boss nito. Nang-aasar namang kumindat at ngumuso si Dylan sa dalaga pero umikot lang mga mata ni Naneth. Pakiramdam niya may nabubuo ng feelings ang dalawa sa isa't-isa."Okay, bye, wifey. Mwah"

Malambing na paalam ni Dylan kay Naneth. And he gave a her a flying kiss with matching wink.

"Wifey in your face! Ingatan mo yang kaibigan ko hah."

She glared at him. Mataray talaga itong si Naneth. Dylan is a good man kahit alaskador. Tiyak na aalagaan nito si Naneth ng mabuti kapag nagkarelasyon ang dalawa.

Nagpaalam na siya kay Naneth at kumaway ito bilang ganti. Wala siyang dalang kotse. Pagkatapos kasi ng dinner date nila ni Yvo, agad siyang dumeretso sa kaibigan at naglabas ng saloobin sa nangyari. Buti na lang may kaibigan siyang willing siyang e-comfort anu mang oras.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon