Chapter 48

70.5K 1.2K 23
                                    

48-The Blessing

(Ella POV)

Naglalakad sila si Yvo sa strawberry farm nang matanaw niya si Mrs. Heusaff sa isang cottage. May kausap ito. Paakyat na sila sa inn ni Yvo to prepare for lunch.

"Hi Tita Arrea!" She waved her hand at her sa may kalayuan. Napatingin kasi ito sa gawi niya. Hila-hila niya ang kamay ni Yvo.

"Oh, Hi Ella! Come here. May ipapakilala ako sayo."

Agad siyang lumapit dito at laking gulat niya nang makilala ang kausap ni Mrs. Heusaff.

"Stacey, what are you doing here?" Nasupresa niyang tanong. Napaawang ang labi nito at palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Yvo. Bigla itong naging balisa sa presensya nilang dalawa.

"I thought you were in vacation?" Si Yvo na kunot-noong nakatingin sa kapatid.

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Heusaff na nagpalit-lipat ang tingin sa kanilang tatlo.

"We were once sisters before." Si Ella. "But I was adopted by a Smith family at siya naman ay sa Zamora." Dagdag niya. They had a complicated past.

"I'm his brother." Nagsalita na din si Yvo at seryuso itong nakatingin kay Stacey. Tumaas ang kilay ni Stacey at bigla itong naging uncomfortable at tumayo.

"Oh. Kaya pala." Tipid na ngumiti si Mrs. Heusaff.

"Magkakilala pala kayo ni Mrs. Heusaff, Stacey." She smiled at her, pinipilit na mawala ang pagiging awkward sa sitwasyon.

"Yeah. It's more than that actually." Si Stacey sabay lagok ng juice na hinablot sa may mesa. Kumunot ang noo niya. Anong ibig nitong sabihin?

"Upo muna kayo, Ella. Ito na ba ang special someone mo?" Nakangiting baling ni Mrs. Heusaff kay Yvo.

"Opo. Si Yvo Zamora nga po pala Tita Arrea, my fiancé" Proud niyang pakilala.

"Oh hi, hijo nice to meet you." Naglahad ng kamay si Mrs. Heusaff. At magiliw namang tinanggap ni Yvo ang pakikipagkamay nito.

Nag-excuse agad si si Stacey bago pa man muling nagsalita si Mrs. Heusaff. Nilingon niya ito at gusto niyang sundan. Pero nag-aalangan din siya dahil kasama niya si Yvo.

"How are you related to Lucas Zamora?" Mrs. Heusaff asked.

"He's my father." Yvo replied.

And that's the conversation started. Hinayaan niya munang makipagkwentuhan Si Yvo kay Mrs. Heusaff, nag-excuse siya dahil kanina pa siya gusto umihi. Napapadalas na ang pag-ihi niya nitong mga nakaraang araw.

Papasok na sana siya sa comfort room nang masalubong niya si Stacey paglabas nito ng pinto.

"Oh Ella, ginulat mo naman ako." Anito at napahawak sa dibdib. Mukhang balisa si Stacey. May napansin din siyang very familiar na pendant sa dibdib nito at tila ito na ang necklace na matagal na niyang hinahanap. She squinted her eyes. Nang alisin ni Stacey ang kamay sa dibdib lumantad sa kanya ang pendant na flower. Agad niyang hinablot ito ng walang pasabi because of her sudden instinct at walang nagawa si Stacey sa gulat. Umatras siya at napatingin si Stacey sa dibdib niya.

"What the hell, Ella!" Medyo nagpanic ito nang napansing wala na ang kwentas sa dibdib.

"Kwentas ko ito. It's mine." She said with conviction. Nanlaki ang mga mata nito, hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"No. That's mine! Ibalik mo yan sa akin." May halong galit na ang boses nito. Tinaasan niya ito ng kilay.

"No, it's mine." Walang gatol niyang sabi.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon