Prologue

224K 2.8K 20
                                    

2014 Copyright All Rights Reserved.

©2014 BlondQueen

Ano man ang pagkakapareha o pagkakahawig ng kwento, pangalan, hayop lugar, pangyayari at iba pang mga salita ay hindi sinasadya ng may akda. Ang gawang ito ay hindi po kopya ng ibang libro o storya. Ito'y kathang isip lamang o produkto ng imahinasyon ng manunulat.

SALAMAT.

Note: Be aware.This is not a perfect story. This is unedited version and expect any typo and grammatical errors. I am open for constructive comments. Feel free to read and votes if you want. Just send me your concern if you notice some mistakes. There is no room for hate. Just enjoy reading.


****




Nagulat si Ella nang makita ang isang video ng isang babae with Yvo. Maingay ang background, halatang nasa party. May babaeng halos wala ng saplot sumasayaw sa harapan ni Yvo at tila nagustuhan naman nito dahil hindi man lamang ito umalma. Anyway, may lalaki bang umaatras kung grasya na ang lumalapit? It was just a short clip. Humugot siya ng hangin at pinipigilang huwag maluha sa kanyang nakita. Binuksan niya ang isa pang video at ang babae ay inaalalayan si Yvo pahiga sa kama.

Lumakas ang tambol ng kanyang dibdib. The woman is busy licking his neck, kissing him and touching him anywhere on his body. Patalikod ang pagkuha ng video dahil hindi niya nakikita ang mukha at reaction ni Yvo. Hindi din nito itinulak ang babae. Pumatong ang babae kay Yvo at hinubaran niya ito. Yvo was raising his hand. Hindi niya alam kung nagrereklamo ito o mas binibigyan nito ang access ang dalaga na tuluyan itong mahubaran.

She bit her lip. Hinawakan niya ang kanyang bibig at nanginginig ang kanyang kamay when the woman starts unbuttoning his pants. Naputol ang video at wala ng kasunod. Nagmessage ang nagngangalang Sarah 'Stug party at Yvo's penthouse happening tonight.'

"God! I can't believe this. Ikakasal na kayo bukas and yet nagagawa pa niyang mag-enjoy ng ganyan with a woman." Naneth burst out pagkatapos nilang mapanood ang video.

She cried. Hindi niya alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas para ipagpatuloy ang pagpapakasal.

"Kailangan ko siyang puntahan sa penthouse bess." Kusa ng tumutulo ang kanyang luha at hinahagod naman ni Naneth ang kanyang likuran to comfort her.

"Okay. Sasamahan kita. Kailangan mo din makita sa mga mata mo ang kagaguhan niya para magising ka na sa katotohan. Ang kapal ng mukha niyang babuyan ka ng ganyan."

Naiintindihan niya kung galit si Naneth kay Yvo. Syempre they're bestfriends. Nasasaktan din ito tuwing nakikita siyang nasasaktan.

Halos paliparin ni Naneth ang vios patungo sa penthouse ni Yvo. Nang makarating, hindi na siya nag-abalang kumatok dahil alam naman niya passcode ng main door nito. Naabutan niya ang subrang kalat sa sahig. May mga buti ng alak sa sala table at nagkalat na gift wrap. Sa kalayuan, nakita niya si Darren at Jaime sa may mini bar na masayang nag-uusap. Nagwave pa ng kamay si Jaime sa kanya tila walang kamalay malay sa nangyayari kay Yvo sa loob ng silid. Sa ingay sa loob ng penthouse ay halatang nagkakasiyahan ang mga kalalakihan. Kanya-kanyang may kausap.

"Hi sis!" Bati ni Servo na nasa sofa, kainuman at kausap ang isang babae. Medyo lasing na ito basi sa nakikita niya.

Hindi niya pinansin ito at tuloy-tuloy lamang siya sa silid ni Yvo. Sumunod naman si Naneth sa kanya. Walang babalang binuksan niya ang pinto sa silid nito. Natigagal siya sa kanyang nakita. Para siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan sa mga sandaling ito.

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon