Dating Tayo

177 4 8
                                    

DATING TAYO"

Mahal, naalala mo pa kaya?
Kung paano tayo nagsimula?
Kung paanong ang aso't pusa
Nahulog sa isa't isa?

Eh yung mga panahong, torpeng-torpe ka pa
May nalalaman ka pang 'hinding-hindi to mahuhulog sakanya'.
Pero lumapit ka pa rin sakin at sinabing ' mahal kita'
Hindi ko alam kung anong sasabhin ko pero isa lang ang alam ko ' ako'y masaya'

Naaalala mo pa ba?
Yung araw na sinagot kita?
Sobrang saya nating dalawa.
May pasigaw ka pa ngang ' akin na sya!'.

Eh yung mga panahong puro problema tayo,
Pero sabi mo walang susuko!
Kaya natin to!
Lalabanan natin to!

Sobrang saya ko,
Kasi hindi ka sumuko.
Pinaglaban mo yung tayo,
Para maabot natin ang dulo.

Hindi ko naman alam na hanggang doon lang pala
Ang sinasabing dulo ng iba.
Akala ko aabot hanggang kabilang buhay pa.
Kaso humihinga pa tayo, nasa hukay na yung alaala nating dalawa.

Oo! Binaon natin ng sabay
Kaso hanggang ngayon, ako'y naghihintay
Na bumalik ka at muling magpapatunay
Na love is sweeter the second time around.

Mahal, ang sarap balik-balikan
Ang mga lugar na nagmistula nating tagpuan.
Ang sarap alalahanin
Mga bagay na nagbigay kulay sa dating samahan natin.

Gusto kong tanungin sayo.
Mahal, naaalala mo pa yung dating tayo?
Kung saan nangako tayong hanggang dulo?
Yung dating tayo, kung saan nabuo ang mga pangako mo?

Yung mga pangako mong,
Hanggang ngayon pinanghahawakan ko.
Yung mga salitang binitawan mo,
Na hanggang ngayon patuloy na nag-eecho sa utak ko.

Yung dating tayo,
Na kina-iinggitan nilang lahat.
Kasi mahal, sa dami ng problemang nalagpasan
Bakit kailangang humantong pa rin sa hiwalayan?

Yung dating tayo,
Na puro lang asaran at tawanan. Iyakan, lokohan at pikunan
Yung dating ikot ng mundo.
Yung tipong ikaw lang at ako!

Yung dating tayo, mahal!
Kailan mo ba maalala?
Na ako! Na ako yung dati mong minamahal?
Kailan ka ba babalik?

Kasi hanggang ngayon,
Kahit sobrang tagal na ng panahon
Kahit sabihin pa nila ako jaan sa puso moy matagal ng nakabaon
Kahit sabhin pa nilang tumigil na ako sa pagtatanga tangahan at pagaasam na ikay babalik at magsasabing "akoy mahal pa rin"

Kasi mahal, handa ako maghintay
Kahit gaano pa yan katagal
Alam mo.kung bakit?
Dahil mahal'gang ngayon
Ninanais ko pa rin
Yung dating tayo

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon