Pansamantalang Saya

238 3 0
                                    


Nagsimula ang lahat nung pinagtapo tayong dalawa na para bang sinadya ng tadhana.

Araw-araw naging masaya tumatawa ng parang bang walang problema.

Magkahawak kamay at nangangakong di maghihiwalay .
parang ito na ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay.

Binigyan mo ulit ng kulay ang kay lungkot kung buhay.

Ngunit sa pag aakala kung habang buhay ay biglang nag laho nung ikaw ay nakipaghiwalay.

Nasan na ba ang mga pangako?
bakit biglang nag laho napara bang Napako.

Di Maintindihan kung san ba nag kulang nakipag hiwalay ng walang dahilan. Ang pansamantalang saya ay naglaho na.

Nandito na naman ako sa loob nag maskara nag tatago dahil sa sakit na nadarama.

Paano na naman ako magiging masaya.
kung ang dahilan ng pansamantalang saya ay sya ring dahilan ng pag patak ng mga luha saking mga mata.

Bakit ba ? palagi nalang akong nasasaktan
Bakit ba ? palagi akong naiiwan
Bakit ba? nakilala kita bakit mo ba ako tinrato na mahalaga kung panakip butas lang pala sa lungkot mong nadarama .

Pwede naman tayo maging masaya kahit na pansamatala .

Pansamatalang saya kahit alam kung mali na .

Pero pinipilit parin kita baka sakaling ang pansamatalang saya ay baka maging permanente . Permanenteng kalungkutan pala .

Pero minsan naiisip ko.
kailangan ko ba talagang maging malungkot ?

Oo ako yung naiwan pero di ako ang nawalan .

Kaya ko naman maging masaya kahit wala kana .
Baka nga ang pansamatalang saya ay panghabang buhay na saya pag tuluyang Nakalimutan na Kita.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon