ANG SIMPLENG BUHAY KO"
Facebook, Twitter, Instagram at Pokemon Go
Mga bagay na nagpapaikot ng buhay ko
Walang humpay na pagbabago ng mundo
Sabay sa agos, palagi akong ganitoWalang ibang ginawa kundi kumuha ng atensyon
Hindi uso sa akin ang mabagal na desisyon
Nabubuhay ako sa mabilis na emosyon
Mahilig ako sa iba't-ibang temptasyonSa bawat pagbukas ng facebook
Si crush ang laging ini-stalk
Daig ko pa ang umakyat sa tuktok ng bundok
Dahil sa kanya bumibilis ang pusong tumitibok-tibokLahat ng bagay ay para sa sarili.
Iisa lang ang nasa isip—sarili.
Ang bawat pagkilos ay para sa sarili.
Ito ba ang ibig sabihin ng "Selfie"?Eh bakit nga naman hindi?
Simple lang naman ang buhay ko
Gigising sa umaga
Papasok sa eskwela
Makikinig sa propesor na napakaraming alam at napakadaldalAt pagkatapos nun uwian
Magkikita kami ng mga kaibigan
Sasakay sa LRT na puno ng kabahuan
At syempre sasakay kami sa jeep.
SASAKAY KAMI SA JEEP!
Nag-aabang si Manong Barker at sumisigaw, "Isa na lang! Isa na lang!"
Kahit yung nakaaupo dun ay napakalaki ng balakang!Syempre kailangan mong sumakay
Kung ayaw mong mawalan ng buhay
Kaya pag-uwi ko sa bahay
Mukha na akong lantang gulayKaya di mo ko masisisi na magbubulag-bulagan
Sa mga nangyayari sa ating bayan
Dahil naging manhid na ang aking katawan
Sa mga bagay na nararanasanMga tenga natin ay naging bingi at pudpod
Sa ingay ng paulit-ulit na mga isyu ng bansa
Sa mga tao, balita, at bagyong nagdaraan,
Sa mga busina ng naglalakihang sasakyanMas gugustuhin ko pang manood ng Koreanovela
Kesa makinig sa away ni Duterte at De Lima
Dahil wala naman akong mapapala
At wala naman itong magandang dalaPuro na lang committee hearing
Para raw maresolba ang extrajudicial killing
Wala namang kadating-dating
Ayoko ng mga bagay na boringAt ito na naman isang umaga ng paggising
Handa na ulit maging isang praning
Dapat pagsakay sa LRT singtibay ng baging
Dahil mga tao dito ay malala pa sa pulutong ng sagingMinsan naalala ko ang sinabi ng aking guro
Si Rizal daw ay nag-iwan ng katanungan
"Nasaan ang mga kabataan na maglalaan ng kanilang mga ginintuang panahon, ng kanilang mga pangarap at ng kanilang mga damdamin sa ating bayan? Nasaan ang mga kabataan na handang magbuhos ng kanilang dugo upang hugasan ang lumalaganap na kahihiyan, krimen at kasalanan sa ating bayan?"Sa isipan ko naman,
Kailangan ba talaga kami ng bayan?
Lahat naman ng nakikita ko, ganito din ang ginagawa.
Mga Pilipinong sanay na sa mali
Hindi matuto dahil puro pasubaliPero sa totoo lang naisip ko rin yan
Akala ko ayos lang na walang pakialam
Yun pala ako'y wala ng pakinabang
Unti-unti kong nalaman na ako ay naging mangmang
Sa bayan kung saan ako isinilangMay katotohanan pa kaya ang sinabi ni Rizal?
O baka naman naging bato na rin ang ipinaglaban ni Bonifacio?
Karapatan at kalayaan para sa kinabukasan ng Bayan
Pag-ibig para sa Lupang Tinubuan
Hindi ko alam.
Baka ikaw, alam mo ang kasagutan?