Para sa mga sawing puso

1.2K 11 0
                                    

Nagsimula sa MAHAL KITA, natapos sa MALAYA KA NA"

Kasabay ng pagbagsak ng mga dahon sa kalupaan,
Pagham
pas ng mga alon sa karagatan,
At pagkinang ng mga tala sa kalangitan,
Ay ang kirot na aking naramdaman noong ako'y iniwan mo sa kawalan.

Saksi ang dilim at liwanag,
Sa pag-asang hindi ko naaninag,
Nang ang puso ko ay tuluyan mong binihag.
Pinana ang puso ko ni kupido, pero yung puso mo ay tila nakailag

Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata, ay ang pagmulat ko sa katotohanang mahal kita.
Mahal kita!
Mahal kita, kahit ang sakit sakit na.
Mahal kita, kahit magmukha akong tanga sa harapan ng iba,
Mahal kita, kahit ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa,
Mahal kita!

Pinupunasan ko ang luha sayong mga mata, Pinapaluha ka lang nya.
Iniingatan kita, Sinasaktan ka lang n'ya.
Pero s'ya pa rin talaga, ang mahal mo sa aming dalawa

Ang hirap palang maging kontrabida sa love story n'yong dalawa.
Ang hirap palang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba,
Ang hirap palang sumali sa laro ng pag-ibig na alam mong sa umpisa palang, talo ka na,

Kaibigan lang kita!
Kaibigan lang kita!
Kaibigan lang kita!
Kaibigan lang kita!

'Yan ang paulit-ulit na katagang pinaramdam mo,
Paulit-ulit na katagang pinamukha mo,
Paulit-ulit na katagang masakit, pero tinanggap ko.

Pero nakakapagod din pala, na mahalin ang isang katulad mo.
Nakakapagod din pala na paikutin ang mundo ko sayo.
Pero sa kabila ng lahat ng
Sakit,na dinulot mo,
Nagpapasalamat pa rin ako,
Salamat dahil may natutunan ako,
Salamat dahil natutunan ko na dapat mahalin ko muna ang sarili ko bago ang taong tulad mo.

Isang Araw, Isang araw lang ang hinihiling ko.
Na sana sa muling pagbabalik mo.
Ay masabi ko sayong nakamove on na ako,
Salamat sa pananakit mo,
Mahal ko ang sarili ko, Mahal ko ang pamilya ko, Kaya mag-aaral muna ako.

Kaya naman.
Malaya na kayong ipagpatuloy ang love story na sinimulan n'yong dalawa!
Malaya ka na!
Dahil tanggap ko na!
Tanggap ko na, na hindi tayo pinanganak para sa isa't isa
Malaya ka na!

At dito na natatapos ang kwentong " Nagsimula sa Mahal kita, Natapos sa Malaya ka na"

-J

"Ang Paborito kong Pawnshop"

Babe? Mahal? Pautang naman ng iyong Atensyon.
Huwag kang mag-alala ,ang takbuhan ka,ay di ko intensyon.
Babayaran kita ng Sobra-Sobra.
Kahit MAPAMAHAL pa ko ng Sobra.
Gipit na Gipit lang talaga ako na masilayan ang iyong mga ngiti.
Sa Sobrang pangangailangan ko, kailangan kong magnakaw ng sandali.
Sinubukan ko na ring maging isang tulisan.
Tulisan na hinahabol ng Kapulisan.
Tulisan na may kasong sobrang magmahal.
Kaya pinili kong magpakulong sayong pagmamahal.
Mahal, di ko nagawang manlaban saking nararamdaman para sayo.
Handa kong harapin ang habangbuhay na pagkakakulong dyan sa puso mo.
Dahil ako lang yung preso na takot lumaya sa rehas ng mga yakap mo.
Ako yung Preso na hinding hindi tatakas sa buhay mo.
Kahit pa may sumubok magpiyansa.
Kahit na sa pagtakas, ako ay may tiyansa.
Hindi ko magagawang lisanin, Ang kulungang para sa akin.

Mahal, Alam mo bang ikaw ang paborito kong pawnshop kung tutuusin.
Isasanla ko ang puso ko sayo,ngunit di ko tutubusin.
Mahal, Huwag mo sanang iremata ang puso kong tapat sayo.
Dahil walang alahas na makakatumbas sayo.
Mahal ang ginintuang oras ko ay handa kong isanla.
Huwag ka lang malugi at mawala.
Mas matimbang ka pa mahal sa anumang uri ng dyamante.
Handa akong magtrabaho sa puso mo, huwag mo sana akong isesante.
Alam kong marami na akong utang na pagmamahal sayo.
Handa akong mabaon sa utang para sayo.
Hayaan mo, makakabayad din ako sa tulong ng PAG-IBIG.
Dahil ikaw lang ang Sanlaan na may PAG-IBIG.
Sasaluhin ko lahat ang benepisyo mula sayo.
Basta ba ipapautang mo rin ang matamis na Oo mo.
Mahal, Sayo na yang puso ko
Basta akin na rin ang puso mo.
Para pag muli akong nagipit , Di na ako magsusumiksik sa maduming Junkshop.
Isasanla ko na lang ang puso ko,Sa Paborito kong pawnshop.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon