Aking Ama

288 4 0
                                    

Para sa pagsapit ng iyong kaarawan
Aking ama nawa'y iyong tanggapin
Isang munting regalo na handog ko para sa iyo
Gamit lamang ang pluma at papel ako'y susulat ng katha
Na ako mismo ang may akda

Pa, salamat ng dahil sa'yo ako ay naririto sa mundo
Natunghayan ko kung gaano ba kaganda mabuhay dito
At simula pagkabata kayo na ni mama ang naging sandigan ko
Kahit na minsan pasaway at loko loko itong anak niyo
Hindi parin kayo nagsasawang mahalin ako

Pa, salamat sa lahat ng iyong paghihirap at sakripisyo
Hindi mo alintana ang pagod sa iyong trabaho
Umulan, umaraw tirik man ang araw patuloy ka parin sa pagbabanat ng buto 
Para matustusan ang mga pangangailangan ng pamilyang ito

Kahit na alam ko minsan nagkakasakit ka na
Hindi ka parin napapagod at patuloy lang na nakasuporta
Hindi kayo nagsasawa ni mama na ibigay kung anong nararapat sa amin

Pa, salamat sa lahat ng panenermon mo
Salamat sa lahat ng paghihirap mo
Salamat ng dahil sa'yo natuto ako kung paano ba tumayo sa sarili kong mga paa 
Salamat dahil kayo ni mama ang nagturo sa akin na dapat hindi ako nagpapadikta sa iba

Kaya't hayaan mo pagdating ng araw aking susuklian
Lahat ng paghihirap niyo ni mama sa amin ay aking tutumbasan
Aking tutuparin sa inyong dalawa ang pangakong binitawan
Na magtatapos ako ng kolehiyo tangan ang inaasam kong diploma
Pupunta sa may stage at suot-suot ay toga

Ika'y aking tutularan kapag nagkaroon ng sariling pamilya
Dahil ika'y nagsilbing mabait at ulirang ama
Hindi ka naman isang superhero na tunay
Pero para sa akin ikaw ang dabest na tatay sa aking buhay.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon