Katayuan ng ating Bansa

242 3 0
                                    


Ang ating bansa ay napuno na ng kasamaan,
Kasamaan na mahirap lunasan,
Kasamaan na di nawawala sa ating kapaligiran.
Ano ba ang ating kailangan?
Isang bang pinuno na matapang?
O isang pinuno na may hustisya sa bawat labanan?
Mahirap pumili ng isang pinuno,
Dahil ang isang pinuno ay hindi sumusuko...
Hindi sumusukong ipaglaban ang nasasakupan,
Kanyang ipaglalaban hanggang sa kanyang kamatayan...
Lumipas ang araw,linggo,buwan at taon,
Lahat ng tao sa pagbabago nakatuon...
Nangangarap na malunasan ang kanilang kahirapan,
Kahirapan na nakadikit sa bawat tao sa lipunan...
Isang pangyayari ang binulabog ang mundo ko,
Nagulat ako,bakit ang daming namamatay na tao?
Bakit kailangan pumatay ng mga tao sa lipunang ito?
Di ba nila naisip na isa itong malaking kasalanan?
Kasalanan na mahirap bayaran,
Pero para sa kanila isa lang itong kasalanan na madaling solusyunan...
Nakabuti ba ang pagbabagong ito o nakasama?
Nakabuti dahil nabawasan ang mga makasalanan,
O nakasama dahil nadagdagan na naman ang kasalanan ng sanlibutan?
Bakit di patas ang lipunan?
Bakit hindi din nila parusahan
Ang mga tao na nasa mataas na pamantasan...
Lagi na lang ba ang mahihirap ang may kasalanan?
Diba nagkakaroon din naman ng kasalanan ang mayayaman?
Kaya payo ko sa ating mga opisyal sana naman maging patas ang pagtrato nyo sa bawat tao sa lipunan...
Ngunit sino ba ako para magreklamo?
Sino ba ako para punahin ang ibang tao?
Isa lang naman ako sa kabataan na walang karapatang magsalita,
Isang simpleng kabataan na may simpleng pamumuhay simula bata..
Kaya itong aking tula ay inihahandog ko sa mga taong mahihina,
Mahihina na kailangan ng kalinga..
Salamat sa mga taong nagbibigay ng inspirasyon,
Inspirasyon na binibigay nila sa mga taong gusto ng pagkakataon...

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon