Ang Ganda Mo

221 5 0
                                    

Lagi mong hawak ang iyong Lipstick,
pero pano naman ang iyong lapis?
Paheram ng lipstick,
pahingi ng pulbo
Pero naisip mo bang buklatin ang iyong libro?
mukha mo ay nagmamantika,
pero asignatura mo sa matematika di pa gawa.

teka teka magmumusical.ly muna ko,
baka sakaling pusuan ito ng crush ko.
Pag nagtanong si inay kung kamusta ang pag-aaral,
Sagutin mo, "Ma okay lang maganda naman kilay"

Dumapa ka sa damuhan,
Lumiyad ka sa poste ng wildlife,
mala Arci Muñoz ang dating,
sana ganyan din ang grades natin.

Kung gano kapula ang lipstick mo,
ganon din kapula marka mo,
paano mo matitiis ang ganitong sistema?
matutuwa ba si ina at ama?

Sayang naman ang kulay ng buhok mo,
sayang naman ang lipstick mo,
sayang naman ang guhit sa kilay mo,
kung hindi ka magsusunog ng kilay sa pag aaral mo.

gimik dito, gimik doon
hanap pakboy dito, hanap pakboy doon.
ay! meron palang gagawin sa philosophy,
Wag na natin gawin, Tayo na't mag Happy T.

Ito ang bubuo sa'ting pagkatao--edukasyon
ito ang bubuod sa'ting kagandahan--liquid foundation
puro tayo kolorote, uy ang ganda ni ate
kamusta ang recitation?
ayun parang nagpapasyon.

Nakakatuwang isipin, kung ang kinabukasan natin ay kasing ganda natin, nakakalungkot isipin na mas pinagtutuunan pansin, ang panlabas na anyo

wika ni Rizal, "kabataan ang pag asa ng bayan
pero paano naman kung ganito ang masisilayan?

bakit di mo subukang magbasa,
inaatupag mo'y puro pagrampa,
gawin mo na ang thesis mo wag puro aura

puro lalake hanap mo
alam ba yan ng mama mo?
pumasok kana ibabasak ka ng prof mo,
mag-aral kana at wag mong gawing pariwara ang buhay mo,

bakit hindi mo isipin, mas magandang tingnan ang mataas na grado,
kaysa bilang nag naglike sa DP mo

sumali ka sa beauty contest,
utak mo ba ay pang contest?
isa pang shot ng empi,
isa pang hits ng yosi
isa pang game sa bilyar bago ka mag aral

ayusin ang ating sarili,
Upang makaayat sa entablado
hindi yung grades natin puro tablado
puro ka pasang awa,
paiyakin natin si Mama, dahil nakuha natin ang ating diploma,
hindi yung nakulong tayo sa shabu't marijuana

Utak bigyang laman,
wag ang sinapupunan
pahalagahan ang tuition fee
wag puro Happy go lucky

tayo na't magselfie
kasama ang family
kung saan nakasuot ng toga
at hindi kita dyoga

mas okay ng maging edukado
kaysa maging tarantado

uulitin ko ang wika ni Rizal
kabataan ang pag asa ng bayan
pero bakit hindi ito mapatunayan?

maganda ka, maganda sila
pero sa kasalukuyan
asan ang katalinuhan?
nandon ba sa bilyaran?
pag asa ba talaga ng bayan?

Puro ka porma, 
wala ka namang pera
Puro ka tambay,
di mo pa naisisilong sampay ni inay
ito na nga ba ang edukasyon ng bagong henerasyon?
ang maglagay ng kilay at liquid foundation?

Tara na't imulat ang matang nagmumuta,
masakit masabihan ng maganda lang
buksan ang isipan at aklat,
sa tinatawag nating paaralan
at hindi sa beerhouse at gimikan

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon