Chapter Forty-three

Start from the beginning
                                    

-----------

Charlotte's POV

I can't breathe.

I keep on doing shallow breaths and I am walking to and fro inside my room. I touched my belly and look myself in the mirror. Buntis na buntis talaga ang itsura ko. Sino ang mag-aakala na sa loob ng damit na suot ko ay pekeng silicone belly lang ang nasa tiyan ko?

My mother in law is really a genius for thinking this scheme. Oo. Nakakakunsensiya na niloloko ko si Carlo but I would do everything para maging akin siya. A few months to go and I'll be a real mother. Si Jean na ang bahala sa newborn baby na kukunin niya at ibibigay niya sa akin. We planned it already. Kung paano ako manganganak, kung paano ako magkakaroon ng emergency cs, magkakaroon ako ng fake complication kaya hindi puwedeng pumasok sa loob ng operating room si Carlo, everything is planned. And I can't wait to have my perfect family with the man I love.

Pero nawala din ang ngiti sa labi ko ng maalala ko si Amy. That bitch. Kung bakit kasi hindi pa siya mawala sa landas namin ni Carlo. Bakit laging nagku-krus ang landas namin? I hate her. Kaya mabuti nga na nawala ang anak nila ni Carlo. At least mawawala ang hold niya sa asawa ko.

Napakagat-labi ako at napaupo sa kama. But Amy saw me in the bar last night. I know she looked at my belly and she saw me that I am not pregnant. Ang sexy naman kasi ng suot ko kagabi. Iyon ang kinakatakot ko. But I thought, umiiwas na siya kay Carlo. Nagtago na nga siya kaya sigurado akong hindi na niya kami guguluhin. But I need to make sure. Ayoko ng magulo pa ang pagsasama namin ni Carlo dahil sa kanya.

I dialed my mother in law's number and hindi nagtagal ay sumagot siya.

"Is there a problem, Charlotte?"

"Problem? There is no problem, mommy. Actually, I am really happy kasi dininig na ng Diyos ang matagal na nating dasal." Hindi ko maitago ang tuwa ko.

"What? What is it?" Taka ng mommy ni Carlo.

"Carlo is willing to compromise. He is willing to save our marriage for the sake of our baby."

"For real?" Halatang natuwa din siya sa sinabi ko.

"Yeah. For real, mom. Everything is doing great mom. We will be a happy family."

"Nag-usap na ba kayo ni Jean kung paano ang plano? I want a boy. Gusto kong inggitin si Frances Acosta." Napatawa pa si mommy. "Kapag nakita niyang meron na akong apo siguradong lalong madi-depress 'yon. It doesn't matter kung ampon mo man iyan. As long as the baby will help upi to hold on to my son."

"Si Jean na daw ang bahala doon. Mom, we are giving her so much money so she must do her work properly."

"How about your silicone belly? Are you hiding it properly? Hindi iyan puwedeng makita ng anak ko. You know what will happen. That will be the end of your marriage," paalala ng biyenan ko.

"Don't worry, mom. I am hiding it where he couldn't find it."

"Alright. Congratulations, iha. I am so proud of you."

"Thank you, mommy. You're the best mother in law."

"Sige na. Tawagan mo na lang ako kung may ibang balita. Take care."

Napahinga ako ng malalim at nakangiting humiga sa kama ko. Ang saya-saya ko talaga ngayon. This will be the start of our happy ever after.

-----------

Amy's POV

"Shit. Shit. Ano ba ito?" Natataranta akong pinipihit-pihit ang door-knob ng kuwarto dahil baka nagkamali lang ako ng pagkakasara kanina. Imposibleng mai-lock ito mula sa labas.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now