Chapter Forty-two

Start from the beginning
                                    

Tumingin ng parang nagmamakaawa sa akin si Amy.

"Hindi na tayo dapat nag-uusap. Hindi na tayo dapat magkita." Sagot niya.

"Why? Tell me. May ginawa ba ako? What did I do wrong?" I won't let her go this time. Ang tagal ko ng naghanap sa kanya at hindi na ako papayag na mawala siya ulit ngayon.

"Please, Bullet. Magulo na ang buhay ko. Tama na iyong isang beses kong nakaladkad sa kahihiyan ang pamilya 'nyo. Ayoko na kayong madamay pa. Napakagulo ng buhay ko."

"No. Anong kahihiyan? Wala namang kahihiyan. And fuck those people. Hindi ka naman nila kilala, ah. Amy, you are part of our family. So kung anong problema, I am willing to help you."

Umiling lang siya at parang naiiyak pa. "Mas mabuting wala na akong koneksyon sa pamilya 'nyo lalo na sa iyo. Kapag nalaman na naman ito nila Jean-"

Kumunot ang noo ko. "Jean? Anong kinalaman ni Jean?"

Pareho kaming napatingin ni Amy sa parating na mga babae na papasok ng cr kaya napahinto kami sa pag-uusap. Nang makapasok ang mga ito ay mabilis kong hinila si Amy papasok sa cr ng mga lalaki at pareho kaming nagkulong sa isang cubicle doon.

Maliit lang ang cubicle. Sakto lang para sa isang tao kaya dikit na dikit ang mga katawan namin habang magkaharap kami sa isa't-isa.

"Ano ka ba? Bakit mo ako dinala dito? Nasa trabaho ako," mahinang sabi ni Amy at pilit na binubuksan ang lock ng cubicle pero lalo kong idikit ang sarili ko sa kanya.

"Not until you tell me the reason. Bakit nasali si Jean?"

Napailing at napairap si Amy. "Hindi mo ba nararamdaman? May gusto siya sa iyo. Nagagalit siya sa akin kasi akala niya inaagaw kita."

"What? Si Jean?" Parang hindi ako maniwala sa sinasabi ni Amy.

"Pamilya lang ni Carlo ang problema ko noon. Ngayon pati si Jean problema ko na rin. Gusto ko lang ng maayos na buhay. Gusto ko lang mag-umpisa ng bagong buhay. Hindi 'nyo ba iyon maibigay sa akin?"

Sumeryoso ang mukha ko.

"Kaya nga ako nandito, eh. Kaya hinahanap kita. I want you to start your new life with me."

Napatitig sa akin si Amy at parang nalito siya sa narinig na sinabi ko kaya sinamantala ko na. Lalo akong dumikit sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Damn those lips. God knows how much I wanted to taste those again.

Pero itinulak ako ni Amy.

"Nalilito ka lang. Akala mo lang gusto mo ako pero ang totoo, naawa ka lang sa akin. Huwag, Bullet. Tama ng tinulungan mo ako noon. Ayoko ng masaktan," bahagyang nabasag ang boses ni Amy ng sabihin iyon.

"What? Anong awa? Amy, hindi mo nararamdaman? Ikaw ang gusto ko. Kahit ano ka. Kahit anong nakaraan mo. If your child is alive, I am willing to be his father."

Tuluyan ng napaiyak si Amy pero umiiling pa rin siya. Pinipilit niya akong itulak pero matigas ako. Hindi kami aalis dito hangga't hindi siya naliliwanagan sa gusto kong sabihin sa kanya.

"Iba si Carlo. Sinaktan ka niya. Iniwan ka. And iba ako sa kanya. I am here to make you whole again. I am here to love you whatever excess baggage you have. I won't leave you like what he did. I am decided to build our future together." Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap ni Amy ng sabihin ko iyon.

"Huwag na lang ako. Marami pang ibang babae, Bullet. 'Yung maayos. 'Yung hindi broken na katulad ko. I am not yet healed." Umiiyak na sabi niya.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now