Dumampot ng kitchen towel si mama at binasa iyon tapos ay lumapit sa akin at pinahid ang mga natuyong dugo sa mukha ko. Buti naman at umampat na ang pagdudugo ng sugat sa kilay ko.

            "Tell me, mahal mo ba si Amy?"

            Nanlaki ang mata ko sa tanong ni mama. Akma akong lalayo sa kanya pero mahigpit siyang nakahawak sa braso ko.

            "Ano ba ang tanong mo, 'ma? Can I go to the hospital so I can be checked?" Gusto ko ng makalayo sa nanay ko.

            Napa-hmm lang si mama habang patuloy sa paglilinis ng sugat sa mukha ko.

            "Why don't you look for her? Malay mo, nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi. Tell her what you feel for her. But I think, mahihirapan ka ngayon. Maybe this time, she is not capable of loving. Baka tumigas na ang puso dahil sa nangyari sa kanya." Napapailing-iling si mama.

            Naningkit ang mata ko kay mama.

            "Are you hiding something from me? Did you talk to her?" I can feel that my mother is hiding something.

            Natawa si mama. "No. I haven't seen her for a long time. Ipinapahanap ko nga sa iyo 'di ba?"

            "How come you can say that?"

            "Say what?" Tanong pa ni mama.

            "That. Na baka tumigas na ang puso ni Amy. How can you say that?" Tanong ko pa.

            "Tell me if you love her first. Umamin ka sa akin then I am going to tell everything." Halatang nakikipaghamunan si mama sa akin.

            Napailing ako at napahinga ng malalim.

            "Go back to sleep now, please. Itutulog ko na lang din ito." Sabi ko kay mama at tinalikuran ko na siya.

            "Goodnight, Bullet. Sweet dreams." Tonong nang-iinis si mama.

            Natatawa lang akong pumasok sa kuwarto ko at nahiga sa kama.

            Sigurado ako sa nakita ko. Sigurado akong si Amy iyon pero bakit nawala siya agad? May itinatago ba sa akin si mama? Pero bakit?

            Shit. Parang kailangan ko yatang magpa-ct scan para malaman kong normal pa rin ang utak ko.

----------------

Amy's POV

            Napabuga ako ng hangin ng palabas na ng village ng mansion ng mga Acosta ang sinasakyan kong taxi. Grabe din ang kaba ko ng makita kong nakaparada ang kotse ni Bullet sa garahe. Hindi ko inaasahan na darating siya agad. Ang sabi ng nurse sa akin, alas dose pa darating si Bullet kaya malakas ang loob kong pumayag na ako na muna ang magbantay sa matandang Acosta.

            Mabuti na lang at nakalabas ako agad at hindi na ako naabutan pa doon ni Bullet. Hindi ko lang talaga kayang harapin pa siya.

            Tinatanong nga ako ni Mrs. Acosta kung bakit daw ba ayokong harapin si Bullet. Ang totoo, nahihiya kasi talaga ako. Grabe ang kahihiyan na dinala ko sa pamilya nila at wala na talagang akong mukhang ihaharap pa. Hindi ko lang talaga matiis si Mrs. Acosta kaya ko siya pinagbibigyan pero si Bullet, mas mabuting hindi na lang kami magharap.

            Naabutan ko si Sheng na halos kakarating pa lang sa bahay. Nagtatanong ang tingin niya sa akin dahil ngayon na lang ulit ako lumabas ng bahay at ginabi pa ako.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now